John Bryan Ulanday
June 9, 2017 Sports
NILUNOK nang buong-buo ng Racal Motors ang Zark’s Jawbreakers, 140-90 habang pinitas ng Marine-rong Pilipino Seafarers ang Cignal Hawkeyes sa umaatikabong PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Umariba sa 38-20 sa unang kanto, ‘di na muling nilingon ng Racal ang Zark’s tungo sa kanilang ikalawang panalo sa Foundation Cup upang makasosyo sa Flying V …
Read More »
John Bryan Ulanday
June 9, 2017 Sports
PUMUROL ang pangil at naglaho ang bangis ng Philippine Azkals nang paamohin ng China sa kanilang friendly match, 8-1 sa Tianhe Stadium, Guangzhou kamakalawa ng gabi. Binulaga ng mga Tsino ang Pinoy sa mabilis na 2-0 goals sa unang mga minuto at ba-gamat nakabalik ng isang goal si Misagh Bahadoran sa ika-34 minuto ay nagbigay ng isa pang puntos sa …
Read More »
John Bryan Ulanday
June 9, 2017 Sports
ISINALPAK ni Durant ang 7 dikit na puntos mula sa 11-0 panapos ng Golden State kabilang ang pambaong tres sa huling 45 segundo upang wasakin ang pag-asa ng Cavaliers, 118-113 at ipinoste ang pinakamaha-lagang 3-0 bentaha sa kanilang umaatikabong 2016-2017 NBA Finals showdown sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio kahapon. Naiiwan sa 107-113 sa huling dalawang minuto, kinarga ni …
Read More »
Sabrina Pascua
June 9, 2017 Sports
MAGTUTUOS sa huling pagkakataon ang sister teams TNT Katropa at Meralco Bolts para sa ikaapat na semifinals berth ng PBA Commissioner’s Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ang magwawagi mamaya ay makakaengkwentro ng crowd-favorite Barangay Ginebra sa best-of-five semifinal round na mag-uumpisa sa Linggo. Sa kabilang best-of-fIve serye ay magsasagupa naman ang San Miguel Beer …
Read More »
Arabela Princess Dawa
June 9, 2017 Sports
KINAPITANG muli ng Golden State Warriors si Kevin Durant sa opensa sa homestretch upang sungkitin ang 3-0 serye matapos paluhurin ang defending champion Cleveland Cavaliers, 118-113 kahapon sa Game 3 ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) finals. Kumana si Durant ng 31 points at walong rebounds upang lumapit ang Warriors sa pagbawi ng titulo matapos maagaw sa kanila ng Cavaliers …
Read More »
Sabrina Pascua
June 9, 2017 Sports
MAGPAPALIT lang ng kalaban ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra ‘pag nagkataon sa semifinals ng Commissioner’s Cup. Noong nakaraang Philippine Cup kasi ay nakatagpo ng Gin Kings ang Star Hotshots samantalang nakaengkwentro ng Beermen ang TNT Katropa. Ngayon ay sure San Miguel-Star na sa isang best-of-five series samantalang hinihintay pa ng Barangay Ginebra ang kanilang katunggali. Magtututos pa kasi …
Read More »
Fred Magno
June 9, 2017 Sports
HINDI napigilang pag-usapan ng mga karerista at maging sa mga kilalang tao sa karerahan ang kanilang napuna at narinig sa nagawang pagtawag ng race caller na si Ginoong Vergel Caliwliw sa ikalimang karera nitong nagdaang Martes na pakarera sa pista ng Sta. Ana Park. Imbes kasi na banggitin ang pangalan ng kabayo na pagmamay-ari ni Ginoong Dondon Babon Jr. na …
Read More »
Peter Ledesma
June 9, 2017 Showbiz
WE heard, through the courtesy of “Ang Dating Daan” at UNTV nina Bro. Eli Soriano at kuya Daniel Razon ay tuloy-tuloy na ang voice therapy ni Nora Aunor sa kanyang lalamunan. Bukod sa pagpapagamot sa kanya ay binig-yan na rin daw ng bahay ang superstar ng na-sabing popular religious group na titirahan nila ng kasamang si John Rendez. At ang …
Read More »
Vir Gonzales
June 9, 2017 Showbiz
WALA mang sumipot sa ikinokonsiderang mga young star na sikat ngayon sa concert ng Actors Guild sa Skydome SM North Edsa kamakailan, marami naman ang nanood. Standing ovation ang lugar na dinumog ng maraming manonood. Ang naganap na concert ay pinamunuan ng pangulo ng Actors Guild na si Imelda Papin. Nakiisa sa concert ang Hagibis headed by Sonny Parson na …
Read More »
Rommel Placente
June 9, 2017 Showbiz
MAWAWALA na pala sa ere ang comedy anthology na Dear Uge ni Eugene Domingo na napapanood sa GMA 7. Ipapalit dito ang bagong show na gagawin ni Alden Richards. Ang nagkompirma nito ay si Manay Lolit Solis sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Sabi niya sa kanyang IG post, ”Si Alden papalit sa iiwanan slot ng Dear Uge at dahil …
Read More »