Wednesday , May 22 2024

TnT, Meralco maglalaglagan

MAGTUTUOS sa  huling pagkakataon  ang sister teams TNT Katropa at Meralco Bolts para sa ikaapat na semifinals berth ng PBA Commissioner’s Cup mamayang 7 pm sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ang magwawagi mamaya ay makakaengkwentro ng crowd-favorite Barangay Ginebra sa best-of-five semifinal round na mag-uumpisa sa Linggo.

Sa kabilang best-of-fIve serye ay magsasagupa naman ang San Miguel Beer at Star Hotshots.

Naitabla ng Meralco ang best-of-three quarterfinals sa pamamagitan ng 103-100 overtime na panalo noong Miyerkoles.  Ang Tropang Texters ay nanaig sa series opener, 102-84 noong Lunes.

Nagbida para sa Bolts sina Baser Amer at Kelly Nabong. Si Amer ay nagtala ng game-high 32 puntos bukod pa sa anim na rebounds at apat na assists sa 43 minuto. Si Nabong ay gumawa ng pito sa kanyang 15 puntos sa overtime.

Kapuna-puna sa serye na hindi napakikinabangan ni Meralco coach Norman Black ang kanyang import na si Alex Stepheson.

Sa Game One, si Stepheson ay nagtala lang ng siyam na puntos at 16 rebounds. Sa Game Two ay nalimita siya sa pitong puntos, 13 rebounds at dalawang blocked shots sa 26 minuto bago nag-foul out.

(SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt

Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt

MANILA — Nagkampeon si Marc Kevin Labog ng Solano, Nueva Vizcaya sa 9th leg ng …

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

NAKOPO ng dehadong kabayo na si Ghost ang 2024 Philippine Racing Commission (Philracom) 1st Leg …

Ethan Parungao COPA

Batang manlalangoy itinanghal na Most Outstanding Swimmer sa COPA NCR-AFO Championship 2024

ITINANGHAL na Most Outstanding Swimmer (MOS) ang 8-anyos na si Ethan Parungao na nagkamit ng …

Eric Buhain Patricia Mae Santor PAI COPA

Evangelista, Melencio, Santor kumuha ng MOA title sa COPA meet

NAKOMPLETO nina Aishel Evangelista, Patrica Mae Santor, at Ricielle Maleeka Melencio ang dominasyon at inangkin …

2024 CPBA 9-Ball Teams Invitational tournamen

PH versus Taiwan sa 9-ball showdown

NANGAKO ang Team Philippines na magpapakita ng magandang laban sa pakikipagsargohan sa Team Chinese Taipei …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *