Friday , December 19 2025

Classic Layout

Emi Rubiano-Calixto Winston Casio

Mayor Calixto kumasa sa pahayag ni PAOCC spokesperson Casio

KINONDENA, binatikos, at inalmahan ni Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto ang naging pahayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio ukol sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa lungsod. Maliwanag aniya na ang pahayag ni Casio ay akusasyon na lubhang nakasisira sa reputasyon ng mga opisyal ng lungsod. Tiniyak ni Calixto na isandaang porsiyentong suportado ng …

Read More »
Koko Pimentel Sara Duterte Chiz Escudero

Para kay SP Chiz Escudero
Caucus ng mga senador para sa impeachment complaint vs VP Sara isinusulong ni Koko

INAMIN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na nakatakda siyang magpadala ng isa pang liham kay Senate President Francis “Chiz” Escudero upang hilingin na magpatawag ng all senators caucus upang kanilang matalakay at mapag-usapan ang usapin ukol sa impeachment complaint na isinampa ng Kamara sa senado laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Pimentel ito ay upang …

Read More »
Dead body, feet

Sa España Blvd., Maynila
Lalaki natagpuang duguan, patay sa ilalim ng footbridge

WALA nang buhay nang makita ang isang lalaki sa ilalim ng isang footbridge sa kahabaan ng España Blvd., sa bahagi ng Brgy. 471, Sampaloc, lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles,  19 Pebrero. Naiulat ang insidente dakong 1:45 ng hapon ngunit tinatayang naganap ito dakong 1:25 ng hapon. Inilarawan ang biktima na isang lalaking may suot na dilaw na kamiseta, abuhang pantalon, …

Read More »
Nagpanggap na pulis HIT AND RUN TIMBOG KUSH CANNABIS OIL

Nagpanggap na parak
BEBOT HIT AND RUN TINAKASAN, TIMBOG SA KUSH, CANNABIS OIL

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng nagpanggap na pulis nitong Martes, 18 Pebrero, matapos takasan ang nabanggang sasakyan sa lungsod Quezon. Kinilala ang suspek na si Keith Valdez Bagtas, alyas Keith Bagtas Doumbia, 29 anyos. Ayon sa ulat, nabangga ng sasakyang minamaneho ng suspek ang isang sasakyan sa kahabaan ng Epifanio de Los Santos Avenue (EDSA) nitong Martes ng …

Read More »
P8.8-M SHABU MAKATI freeze-dried durian

Idineklarang freeze-dried durian
P8.8-M SHABU NASABAT SA MAKATI

DALAWA katao ang arestado matapos makompiska mula sa kanilang pag-iingat ang tinatayang P8.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na ibinalot sa pakete ng freeze-dried durian sa ikinasang buybust operation sa Brgy. San Antonio, lungsod ng Makati, nitong Miyerkoles, 19 Pebrero. Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina alyas Wewel at alyas Madam, kapwa 28 anyos. Ayon …

Read More »
022125 Hataw Frontpage

Lahat ng outpatient emergency cases covered na ng Philhealth

INIHAYAG ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kahapon, Huwebes, 20 Pebrero 2025, sakop na ang lahat ng outpatient emergency cases sa mga ospital na accredited mula level 1 hanggang level 3 sa buong bansa.                Inianunsiyo ito ng state health insurer sa kanilang pahayag nitong Huwebes, bilang benepisyong Facility-Based Emergency (FBE) alinsunod sa outpatient emergency care benefit package. Ayon sa …

Read More »
Alyansa Para sa Bagong Pilipinas APBP Senators

‘Alyansa’ senatorial bets dehins dinampot kung saan-saan lang

DUMAGUETE CITY – Dehins kami pinulot kung saan-saan lang! Ipinagmamalaki ng mga pambato ng administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na ang kanilang ticket ay may kongkretong magagawa para sa Filipinas sakaling mahalal na mga bagong senador sa paparating na midterm elections sa Mayo. Sa isinagawang pulong-balitaan dito sa probinsiya ng Negros Oriental nitong Huwebes, 20 Pebrero, ipinagdiinan ni ACT-CIS …

Read More »
Sara Duterte Chiz Escudero Howard Calleja

Impeachment vs Sara gusto bang patayin ni Chiz — Calleja

NAGTATANGKA ba si Senate President Francis “Chiz” Escudero na ‘isabotahe at patayin’ ang impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte imbes sundin ang mandato ng Konstitusyon? Ganito ang tanong ni Attorney Howard Calleja habang tila sinisisi si Escudero sa paglabag sa Konstitusyon dahil ‘agad’ niyang ipagpaliban ang sesyon ng Senado nang hindi tinatalakay ang mga artikulo ng …

Read More »
Manny Pacquiao Star Digital Manila E-commerce Center

E-commerce at Digitalization game changer para sa negosyong Filipino — Pacquiao  

MULING lumalaban si Manny Pacquiao, ngunit sa pagkakataong ito, para sa pag-unlad ng e-commerce at digitalisasyon sa bansa. Sa paglulunsad ng Star Digital at Manila E-commerce Center, binigyang-diin ng boxing legend at negosyante ang mahalagang papel ng e-commerce sa hinaharap ng negosyo, pag-unlad ng ekonomiya, at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga negosyanteng Filipino. “Binabago ng e-commerce ang …

Read More »
Francis Tol Tolentino

Kapag muling naihalal
Death penalty bubuhayin ni Tolentino sa Senado

NANINDIGAN si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na kanyang bubuhayin ang pagsusulong ng death penalty laban sa mga karumal-dumal na krimen sa sandaling muli siyang mahalal na senador sa darating na halalan sa Mayo. Ang paninidigang ito ni Tolentino ay kanyang inihayag sa kanyang pagdalo sa Seminar/Training ng Philippine Councilor League (PCL) ng Northern Samar. Ayon kay Tolentino panahon …

Read More »