Thursday , June 4 2026
Judy Ann Santos tinapay bread

Judy Ann natawa at naiyak sa nilutong tinapay

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang matawa at maiyak ni Judy Ann Santos sa nilutong tinapay na

focaccia dahil sobrang tigas, as in kasing tigas ng bato at kasing tigas ng kahoy.

Sa isang video na ipinost ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram, kitang-kita ang natatawa, mangiyak-ngiyak na si Judy Ann sa kinalabasan ng kanyang niluto.

“At least may pampalit na tayo sa mga kahoy na matatanggal dito sa bahay,” natatawang biro ng aktres habang hawak-hawak ang nilutong tinapay. 

Sinubukan ngang kagatin iyon ng kanilang anak na si Luna na napa-“Awww” sa tigas.

Pabiro nga ni Ryan kayJudy Ann, “Noong pandemic, natuto kang mag-bake ng kahon. Ngayong bagyo, natuto kang mag-bake ng…”

Na sinagot naman ni Judy Ann ng, “Kahoy!” habang natatawa, sabay hirit ng 

 “Hollow block next time!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …