Mika Salamanca Will Ashley soup kitchen

Will at Mika kasamang namahagi ng pagkain sa QC at Marikina

I-FLEX
ni Jun Nardo

TUMULONG ang ilang Kapuso stars sa pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng bagyong Crising.

Kasama sa volunteers  sina Mika Salamanca at Will Ashley sa dalawang soup kitchen sa Quezon City at Marikina.

Kasama nila ang Angat Bayanihan Volunteer Network ng Angat Buhay Foundation para maghanda ng hot meals at mangalap ng pondo para sa komunidad na kailangan tulungan.