Saturday , December 20 2025

Blog Layout

E bakit nga ba nag-resign si PCOO ex-Usec Noel Puyat?

Bulabugin ni Jerry Yap

MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm).      “Malisyoso na peke pa!?”  Wattafak!  Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned …

Read More »

Relasyong PH-Kuwait plantsado na

OFW kuwait

BUMALIK na sa normal ang relasyong Filipinas-Kuwait matapos lagdaan ang memorandum of agreement hinggil proteksiyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gulf state.  “Normal na po ang samahan ng Philippines at Kuwait. Ang hinihintay lang po talaga ng parehong panig ay iyong paglagda ng memorandum of agreement,” ani Roque pagdating kamakalawa ng gabi mula sa Kuwait.  Nakasaad sa MOA ang pagbibigay ng 12-oras na pahinga sa OFW, hindi pagkompiska sa pasaporte at cell phone, pagbuo ng 24/7 hotline na puwedeng pagsumbungan ng pang-aabuso sa OFW, at isang special unit na maaaring sumaklolo sa  kanila.  Matatandaan, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa nang matagpuan ang bangkay ng isang OFW na si Joana Demafelis sa loob ng freezer.  Habang nagalit ang Kuwaiti government sa kumalat na video sa social media hinggil sa rescue operations sa distressed OFWs sa Gulf state na walang koordinasyon sa kanila.  Naging daan ito upang pauwiin ng Kuwait ang kanilang ambassador sa Filipinas at arestohin ang mga Filipino na kasali sa rescue operations.  Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hihimukin niya si Pangulong Rodrigo na wakasan na ang deployment ban sa Gulf State.  Kasamang umuwi ng bansa nina Bello at Roque ang 87 distressed OFWs.   …

Read More »

Ex-Senador Angara pumanaw na

PUMANAW na si dating Senador Edgardo Angara sa gulang na 83, kinompirma ng kanyang anak na si Sen. Sonny Angara nitong Linggo.  Sa kanyang social media account, sinabi ng nakababatang Angara na ang kanyang ama ay pumanaw “from an apparent heart attack.”  Natapos ng nakatatandang Angara ang kanyang Bachelor of Laws degree noong 1958 sa University of the Philippines (UP), at kalaunan siya ay nagsilbi bilang pangulo ng unibersidad mula 1981 hanggang 1987.  Nagtapos din siya ng Master of Laws sa University of Michigan sa Estados Unidos.  Nagsimula ang public life ni Angara nang siya ay maging delegado ng 1971 Constitutional Convention, at iniakda niya ang constitutional provisions katulad ng proteksiyon sa public domain mula sa pang-aabuso ng developers.  Siya ay naging senador mula 1987 hanggang 1998, at nagsilbi bilang Senate President mula 1993 hanggang 1995.  Si Angara ay naging lead proponent ng Free High School Act, Government Assistance To Students and Teachers In Private Education Act, …

Read More »

Ex-Gen Loot nakaligtas sa ambush

NAKALIGTAS ang isang Cebu town mayor na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa “narco-generals” sa ambush nitong Linggo.  Si dating police chief superintendent at ngayon ay Daanbantayan town Mayor Vicente Loot ay tinambangan kasama ng kanyang driver, mga anak at kasambahay dakong 7:30 ng umaga sa Brgy. Maya.  Kinompirma ng pulisya na si Loot ang puntirya sa nasabing …

Read More »

Barangay at SK polls kasado na

MAKARAAN ang dalawang beses na pagkabinbin, kasado na ang May 14 Sanggunian Kabataan and Barangay polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo.  Ang mga opisyal ng 42,000 barangays ay nag-over-stay mula 2013 habang ang SK ay naiwang bakante mula 2010 dahil sa ilang batas na ipinasa para iliban ang nasabing eleksiyon.  Sa eleksiyon ngayong Lunes na isasagawa sa pamamagitan ng manual voting, ay masusubukan ang pagpapatupad ng anti-dynasty provision ng SK Reform Act sa unang pagkakataon makaraan lagdaan bilang batas noong 2016 ni dating Pangulong Benigno Aquino III.  “Handang-handa na po tayo,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.  “So far, we haven’t really monitored any big showstopper event so we’re very hopeful that we will be able to pull off the opening of the polls without a …

Read More »

Acting secretary ng DICT, DSWD itinalaga ni Duterte

ITINALAGA  ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Eliseo Mijares Rio bilang acting secretary ng Depart­ment of Infor­mation and Commu­nication Technology (DICT), at si Virginia Nazarrea Orogo bilang acting secretary ng Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD). Pinalitan ni Orogo si DSWD officer-in-charge Undersecretary Em­manuel Leyco. Noong Setyembre 2016 nang italaga ni Pangulong Duterte si Orogo bilang under­secretary ng DSWD. Itinalaga rin …

Read More »

4 Pinoy drivers sa Kuwait pinalaya na

OFW kuwait

INIURONG na ng gob­yerno ng Kuwait ang kasong kidnapping laban sa apat na Filipino drivers na una nang inaresto at ikinulong dahil sa pagsama sa rescue operation sa distressed overseas Filipino workers (OFWs). Ayon kay Pre­siden­tial Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay nakauwi na ang apat driver sa kani-kanilang bahay sa Kuwait. Gayonman, sinabi ni Roque na hindi uuwi ng …

Read More »

4 bata, 2 nanay patay (2 sugatan) sa sunog sa Parañaque

ANIM katao ang namatay na kinabibi-langan ng apat na bata, at dalawang nanay, nang hindi makalabas sa nasunog na lumang residential building sa Brgy.Tambo, Parañaque City, nitong Miyerkoles ng gabi. Magkakasamang na­tagpuan sa ground floor ang bangkay ng tatlong biktimang sina Marie Joy De Jesus, 28, at mga anak niyang sina Jomarie Canaria, 6, at Daniel Luis Canaria, 10-anyos. Gayondin …

Read More »

Globe spends P6.6 Billion in Capex in first quarter 2018 to provide world class internet access (Re-investing 30% of revenues for enhanced network experience)

GLOBE Telecom, Inc. posted consolidated service revenues of P33.2 billion for the first three months of 2018. Service revenues benefitted from the demand for data-related products across all segments, given the increase in consumption for video streaming and on-demand entertainment. This was likewise helped by Globe’s 4G and LTE network, relevant and affordable product offerings, and an enhanced content portfolio …

Read More »