Pauline, Walang kinikilingan kina Bianca at Kylie
HININGAN naman namin ng reaksiyon si Pauline tungkol sa mainit na isyu ng love triangle kina Bianca Umali, Kyline Alcantara, at Miguel Tanfelix.
Nagkasama silang apat sa katatapos lamang na GMA teleserye na Kambal, Karibal.
Noong nagte-taping ba sila ay na-witness niya na may something nga kina Bianca at Kyline?
βAhmβ¦ kaunti,β at natawa si Pauline.
βParangβ¦ may something.β
Ano ang napansin niya?
βNagugulat na lang din po ako sa mga ano eh, βyung mga lumalabas na news.
βSa mga newspapers.β
Pero kina Bianca at Kyline mismo, ano ang napansin niya, nag-i-snob-an ba ang dalawa, may tensiyon ba sa set?
βHindi naman sila nagsasapakan,β at tumawa si Pauline, βokay naman.
βNag-uusap naman po. Kasi βpag sa work talaga, nag-uusap naman kaming tatlo.
βOkay naman.β
Na bago matapos ang serye, may naganap na something kina Bianca at Kyline?
βFeeling ko.β
Dahil nga hindi sila close?
βYeah.β
Si Pauline kanino siya mas close kina Bianca at Kyline?
βPantay lang naman.
βWala naman akongβ¦ kung anong mayroon sa kanilang dalawa, wala akong side na, βrito lang akoβ, or βdito lang akoβ.
βOr kay Bianca lang, or kay Kyline lang, wala.
βKasi nagugulat na lang ako kasi hindi ko alam kung anong nangyayari.β
Sa palagay ba ni Pauline ay si Miguel ang dahilan kaya may isyu kina Bianca at Kyline?
βKay Miguel? Iyon βyung nakita ko, na puro kay Miguel, eh.
βI mean hindi ko alam kung si Miguel ba, sino ba, pero kasi sa mga kumalat sa Twitter and sa news, si Miguel!β
Si Pauline ba ay hindi pinagselosan ni Bianca?
βAh, hindi naman po kasi bago pa lang, sa mga commercial pa lang namin, magkasama na kami ni Bianca.β
Kaya mas nauna niyang nakilala at naging kaibigan si Bianca.
βAt saka nakilala ko lang po si Kyline, sa βKambalβ na.β
So mas close niya nga si Bianca?
βOpo, mas una ko po kasi siyang nakilala.β
Never nakaranas ng pamba-bash si Pauline mula sa fans nina Bianca at Miguel.
Eighteen years old si Pauline at wala siyang boyfriend.
May nanliligaw sa kanyang taga-showbiz pero ayaw niyang i-reveal kung sino.
Kapuso ang tanging clue na ibinigay ni Pauline.
Rated R
ni Rommel Gonzales

