Pauline Mendoza

Pauline, umaasang gagaling ang inang may cancer

KAHANGA-HANGA ang Kapuso young female star na si Pauline Mendoza dahil kinakaya niya ang pagsubok sa buhay nilang pamilya. May stage 3 breast cancer ang ina ni Pauline.

Nangyari ang rebelasyon ni Pauline nang makausap namin ang dalaga kamakailan, nagkataon pang naroon din ang kanyang ina habang kausap namin si Pauline.

β€œWell ayan, okay naman po siya, puro herbal kasi ayaw po niyang pumunta ng ospital, eh!

β€œSabi naman po hindi naman po kumakalat (ang cancer).”

Dalawang taon nang ma-diagnose na may cancer ang ina ni Pauline.

So far naman ay okay ang ina ni Pauline.

β€œOkay naman po siya parang walang sakit po.”

Pero may mga pagkakataon na kapag mag-isa si Pauline sa kanyang kuwarto ay umiiyak siya kapag naiisip ang sakit ng mommy niya.

β€œKasi siyempre alam naman namin na unsureΒ pa rin kami kung gagaling nga siya, kung ano ang posibleng mangyari.

β€œPero naniniwala po ako na gagaling siya.

β€œKailangan niya talagang gumaling.

β€œPray lang ng pray,” sinabi pa ni Pauline.

β€œWala na po siyang ano, tinanggal na po yung isa.”

Sumailalim na sa mastectomy ang mommy ni Pauline at inalis na ang dibdib nito na may kanser para huwag kumalat.

Ikinalungkot ni Pauline ang pagkamatay ng ina ni Marlo Mortel nitong nakaraang linggo sa sakit na kanser.

β€œKasi po parehas kami na may sakit ang mommy namin.”

Hindi pa niya nami-meet si Marlo pero nabigyan na ni Marlo ng charm bracelet ang ina ni Pauline dahil pareho ngang may kanser ang mga ina nila.

Negosyo ni Marlo ang Ornstal charm bracelets.

Rated R
ni Rommel Gonzales


Pauline, Walang kinikilingan kina Bianca at Kylie
Pauline, Walang kinikilingan kina Bianca at Kylie