Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Lumang medisina laban sa bagong virus

INAKALANG pamutat lamang, ngunit sa kanilang mga magulang, sa katunayan ay mga prominenteng tagasaliksik ng medisina, ang naganap sa Moscow apartment nang araw na iyon noong 1959 ay isa palang mahalagang eksperimento na nakataya ang maraming buhay — at ang sariling mga anak ng mga magulang bilang guinea pigs. “We formed a kind of line,” paggunita ni Dr. Peter Chumakov, …

Read More »

Responde ng Baguio team kailangan sa Cebu para tumulong sa contact tracing

NAKATAKDANG lumi­pad patungong Cebu sa Miyerkoles, 8 Hulyo, ang contact tracing team ng lungsod ng Baguio sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong upang sanayin ang mga key police personnel para mapabuti ang kanilang sistema ng contact tracing nang sa gayon ay mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. Ani Magalong, mana­natili ang kanilang grupo sa lungsod ng Cebu sa loob ng tatlong …

Read More »

Mga bitak sa paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil  

Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw po sa inyo. Ako si Mariafe, taga-San Jose del Monte, Bulacan. Isa ako sa inyong mga tagatangkilik at ilang beses nang napatunayan ang galing ng Krystall Herbal products sa aming araw-araw na pamumuhay. Sa pagkagising pa lang, ginagamit ko na ang Krystall Herbal Oil. Inihahaplos ko ito sa buong katawan bago maligo. …

Read More »

Walang bibitiw sa ‘Magnificent 4’

Sipat Mat Vicencio

NAGKAKAMALI ang mga sunod-sunoran at nagpapagamit sa dambuhalang korporasyong ABS-CBN na bibigay ang tinaguriang ‘Magnificent 4’ sa katauhan nina Boying Remulla, Mike Defensor, Pidi Barzaga at Dante Marcoleta sa ginagawang pressure sa kanilang hanay. Hindi inakala ng oligarkong pamilyang Lopez na maglalakas-loob na tumayo at banggain sila ng ‘Magnificent 4’ at ilantad ang mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap sa patuloy na …

Read More »

Julie Anne, santo ng moving on

MARAMI sa fans ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang tinatawag siyang “the patron saint of moving on.” Sa isang interview para sa bagong single na Better, ipinaliwanag ni Julie Anne ang kanyang mga ginawa para maka-get over noon mula sa isang heartbreak. Kuwento niya, “Iba-ibang paraan naman ang tao para maka-move on ‘di ba? For me, what I did …

Read More »

Endorsers ng Afficionado, sisibakin na?

APEKTADO rin ang negosyo ni Joel Cruz, ang Afficionado Perfume dahil sa pandemic. Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Cruz bagkus tumutulong pa sa mga frontliner at nangangailangan lalo na sa barangay na kinatitirikan ng kanyang negosyo, ang Sampaloc. Hindi rin niya pinababayaan ang kanyang mga empleado. At para hindi matigil ang kanilang produksiyon, nag-produce sila ng alcohol na very much in demand sa …

Read More »

Mommy ni Xian, napagkamalang Amalia Fuentes

NAG-POST ang mommy Mary Anne ni Xian Lim sa  kanyang Instagram account  ng picture niya,  na may hawak-hawak na maliit na  hinog na mangga. In fairness, ang ganda-ganda niya roon, huh! Ang comments nga sa kanya ng iba niyang followers ay, so pretty. ‘Yung iba naman, sana ay mag-asawa na si Xian para mabigyan na siya ng apo. O ‘di ba, kailan nga kaya magbabalak …

Read More »

Cooking show, wish ni Xian

Nakita rin namin ang mga IG post ni Xian. Dahil lockdown, at nasa bahay lang siya, at madalas siyang nagwo-work-out. May sarili kasi siyang high tech gym. Kaya naman pala napapanatili niya ang magandang pangangatawan. And since mahilig din siyang magluto, kaya madalas din siyang nasa kitchen nila para magluto. Gaya ng ibang artista natin, gusto niya ring magkaroon ng …

Read More »

Aktor, dapat unahin ang problema ng showbiz bago ang usaping political

HINDI nga maikakaila na ang pagkakatatag ng panibagong grupong League of Filipino Artists, o Aktor ay in conflict sa KAPPT, o ang Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon na siyang guild sa ilalim naman ng FAP. Siguro nga ang conflict ay dahil may mga artistang nagsasabing hindi na maipaglaban ng KAPPT ang karapatan ng mga artista. Marami rin ang kumukuwestiyon nang si Imelda Papin na mas kilala …

Read More »

Sharon, maraming sama ng loob

NGAYON, lumabas na rin ang sama ng loob at totoong damdamin ni Sharon Cuneta. Talagang masama ang kanyang loob dahil sinasabi nga niyang sobra na ang ginagawang pambabatikos sa kanyang asawa. Pinipigil na nga  niya ang sarili na kumibo bilang pakikisama, pero dumating na roon sa punto na hindi na niya kaya, lalo na’t pati ang kanyang anak ay kasali na sa …

Read More »