Thursday , May 9 2024
Yen Santos Paolo Contis

Romantic dinner date nina Paolo at Yen buking

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

SI Paolo Contis, 37, ang mismong nagkompirma na magkasama sila ni Yen Santos, 29, sa isang romantic dinner date.

Base ito sa Instagram Story ni Paolo noong gabi ng November 20.

Posibleng habang binabasa n’yo ay  naka-tag pa rin si Yen sa post ni Paolo. Pero pwede ring tinanggal na ‘yon ng aktor. 

Hindi agad makikita na naka-tag si Yen sa post ni Paolo dahil naka-camouflage (nakatago) ito.

Kailangan pang pindutin ang background color sa ibabang bahagi ng post ni Paolo para makitang naka-tag nga si Yen.

Pati mga netizen ay napansin iyon.

Sa selfie photo ni Paolo, makikita ang white curtain at Christmas lights na dekorasyon sa likuran niya.

Tugma iyon sa hiwalay na Instagram Story ni Yen na nagpapakita ng litrato ng isang venue para sa isang romantic dinner date.

May naka-set-up na dinner table for two sa isang gazebo na may dekorasyong Christmas lights at puting kurtina.

Ang caption ni Yen sa larawan ay simpleng “birthday dinner” dahil selebrasyon niya ‘yon ng kanyang ika-29 kaarawan.

Akala nilang dalawa ay hindi nabubuko ng ilang netizens na

hindi ‘yon ang unang pagkakataong may camouflaged Instagram Stories sila para sa isa’t isa.

Noon lamang Lunes, November 15, nag-post si Paolo ng “good morning” selfie na naka-tag si Yen.

Noong unang linggo rin ng November 2021, may Instagram Stories din sina Paolo at Yen na mahihinuhang nagpalitan sila ng mensahe at pinatutungkulan ang isa’t isa.

Bunsod nito, patuloy ang espekulasyon hinggil sa hinihinalang pagkakamabutihan ng dalawa.

Hanggang kailan kaya sila magtatago? At kailangan pa ba? 

Parang hindi na naman interesado pa si LJ Reyes na magkabalikan pa sila ni Paolo. Inaamin ni LJ na ‘di n’ya masasabing napatawad na n’ya si Paolo, pero binibigyang-diin naman n’ya na alam n’ya kailangan n’yang gawin yon para sa sarili n’yang kalayaan, sa sarili n’yang kapakanan. 

Tungkol naman kay Yen, may usap-usapan noon na kaya n’ya kailangang itago ang relasyon n’ya kay Paolo ay dahil parang nagsimula ‘yon sa panahong wala pang closure ang relasyon n’ya sa isang maimpluwensyang tao na halos doble ang edad sa kanya.

Pero parang maayos na siyang nakakalas sa relasyong ‘yon, kaya pwede na n’yang aminin ang relasyon n’ya kay Paolo. Hayaan na lang n’yang isipin ng madla na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Paolo at LJ. 

About Danny Vibas

Check Also

Njel de Mesa

Mga pelikula ni Direk Njel de Mesa may Japan Premiere sa Nagoya, kabuuang 10 pelikula sabay-sabay ilulungsad!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NGAYONG taon ay maipapalabas na sa mga international film festivals ang …

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Andres Brillantes High Street JK Labajo

Andrea ‘di nagpapa-apekto sa bashing—Alam kong masakit, ina-appreciate ko lang ‘yung life

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASABAY ng pagma-matured ng karakter ni Andres Brillantes sa pinakabago niyang series …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

Leandro Baldemor Rosanna Roces Priscilla Almeda

Leandro iniukit si Osang na mala-Si Malakas at Si Maganda

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAALIW kami sa kuwento ni Leandro Baldemor ukol sa insidenteng ‘pinaglaruan’ siya …