Thursday , June 4 2026
Jojo Nones Dode Cruz Sandro Muhlach

Sen Jinggoy sa pagmamatigas ni Nones: mananatili siya sa detention 

HATAWAN
ni Ed de Leon

BINISITA ni Senador Jinggoy Estrada si Jojo Nones na ipinakulong niya sa detention center ng senado dahil sa contempt. Sinabi rin ng senador na nagmamatigas pa rin si Nones at ayaw pang magsalita.

Pero tiniyak ng senador na, “mananatili siya sa detention hanggang hindi siya nagsasabi ng totoo sa senado.”

Sa ngayon napakalakas ng public opinion laban kina Jojo at Dode Cruz. At tanging si direktor Joel Lamangan ang kumampi sa kanila publicly sa pagsasabing, “hindi naman mga balahurang bakla iyang dalawang iyan.” 

Wala rin namang sinabi si direk Joel kung ano ang itinuturing niyang balahurang bakla. Hindi rin namin alam kung ano ang sinasabi ng abogado nilang si Maggie Abraham Garduque na isasagot nila laban sa statement ni Sandro Muhlach at sa mga ebidensiyang nakalap ng NBI. Mayroon silang limang araw pa para magsumite ng kanilang sagot sa mga bintang ni Sandro at tapos niyon ay ang preliminary investigation naman ng piskalya bago nga tuluyang iharap ang kaso sa husgado.

Pero dahil sa galing na nga iyan sa NBI magiging mabilis na ang reolusyon diyan ng piskalya at tiyak na aakyat na iyan sa husgado matapos lamang ang ilang araw. Dahil ang isinampang kaso ay isang criminal case. Magpapalabas ng warrant ang husgado, pero magtatakda rin iyon ng kaukulang piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya, pero si Nones nakakulong pa rin dahil sa contempt ng senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …