Thursday , June 25 2026
Atty Ferdinand Topacio Atty Lorna Kapunan

Topacio, Kapunan tutulong susugan tamang parusa sa mga sexual offender

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAILANGAN ba ang ebidensiya ng penetration para masabing ang isang pangyayari ay kaso ng rape? Nakikita raw na pinuwersa ang isang babae kung may makikitang lacerations sa kanyang private parts. Ganoon din sa isang lalaki na madaling mapatunayan kung violated ang kanilang likuran.

Pero hindi kailangang magkaroon ng lacerations o katunayan na nagkaroon ng penetration. Sa definition ngayon ng rape ang sino man na pinuwersang makipag-sex ay biktima ng rape. Ngayon nga maski na ng asawa mo na ay maaari pa ring magreklamo ng rape kung pipilitin mo. Sa ilalim ng sinusugang batas, hindi katungkulan ng isang babae na ibigay ang hinihingi ng kanyang asawa kung labag sa kanyang kalooban. Ganoon din naman ang karapatan ng isang lalaki. Hindi mo na maikakatuwiran ngayon iyong, “lalaki ka naman at walang mawawala sa iyo.”

Gayunman, sinabi ni Atty Lorna Kapunan sa Senate hearing na napakababa ng parusa sa ilalim ng umiiral na batas, at kahit na nga mahatulan kang guilty magmulta ka na lang, libre ka na.

Hindi rin naman maganda ang ganyan, dahil marami ngang nahatulang guilty madali ring nakalulusot at parang hindi rin naparusahan. Dahil diyan marami sa mga biktima na gumaganti na lang sa mga umabuso sa kanila na hindi naman maganda para sa lipunan.

Kaya nga si Atty. Kapunan at ang isa pa nilang naging resource speaker na si Atty. Ferdie Topacio ay nangakong magbibigay ng suggestions kung paano sususugan ang mga umiiral na batas para magkaroon ng tamang parusa ang mga sexual offender.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …