Sunday , May 19 2024
Ricardo Cepeda

Ricardo posibleng sa Cagayan ilipat, P3-M pangpiyansa kailangan 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWAG ang aming pansin sa sinabi ng Bucor director general Usec Gregorio Catapang na hindi raw nila alam kung saan ilalagay si Cedric Lee at dalawa pang akusado dahil hindi na sila makatatanggap ng mga bilanggo sa New Bilibid Prisons. Nabanggit pa ni Catapang na iyon nga raw isang personalidad, ang actor na si Ricardo Cepeda na dating asawa ni Snooky at ngayon ay asawa na rin ng isa pang aktres si Marina Benipayo, ay kailangan nga raw na ikulong na sa provincial jail ng Cagayan?

Dahil mas maganda ang kalagayan nila roon 12 lang sila sa isang selda at may bentilador pa. Rito ang mga preso ay halinhinan na sa pagtulog dahil wala nang mahigaan dahil sa sikip ng mga selda,” sabi ni Catapang.

Pero bakit naman sa Cagayan pa ikinulong si Ricardo? Malaking pahirap iyon sa kanyang pamilya na kailangan ding dalawin siya. Kung natatandaan ninyo si Ricardo ay hinuli sa Caloocan dahil sa warrant na inilabas laban sa kanya dahil sa multiple cases of estafa na isinampa laban sa kanya ng mga biktima ng isang investment scam. Dahil mahigit sa tatlong kaso iyon, tinatawag iyang syndicated estafa, na katumbas na rin ng economic sabotage. Walang piyansa sa ganyang kaso kaya simula noon ay nanatili na siya sa kulungan. Sinasabi naman ni Ricardo na mali ang bintang sa kanya dahil hindi siya bahagi ng kompanyang gumawa ng scam. Siya ay isang celebrity endorser lamang, parang commercial model ng nasabing kompanya hindi siya bahagi o empleado man lang niyon. Pero iyan ay isang bagay na kailangan niyang mapatunayan sa korte.

PInakamadali sana kung siya ay tatayong state witness, na possible naman kung masasabi niyang siya ay may maliit na bahagi lamang o sadyang walang kinalaman sa naganap na krimen. Pero ang problema hindi pa niya naituturo kung sino ang mga may kinalaman sa scam kaya naiipit siya.

Hindi rin namin alam kung bakit ang kaso ay dinidinig sa Tuguegarao CIty kaya siya nalagay sa kulungan sa Cagayan.

May mga kaibigan siyang tumutulong sa kanya, naghahanap sila ng pondo, o humihingi ng tulong para sa kailangang pondo sa kaso ni Ricardo, na sa kanilang estimate mahigit na P3-M ang kailangan sa kaso lamang puwera ang pang piyansa kung sakali ngang papayagan siya ng korte na makapaglagak ng piyansa. Tumagal naman ang kaso dahil sa dami raw ng activity sa korte.

Talagang kawawa ang sitwasyon ni Ricardo pero hindi madaling makahingi ng mahigit na P3-M kailangan para tustusan ang paglaban niya sa kaso. Ewan kung ano nga ba ang magagawang tulong sa kanya.

Pero mabuti na rin dahil mas maganda raw ang kalagayan niya sa Cagayan Provincial Jail kaysa kung nadala siya sa NBP o nanatili sa City Jail ng Caloocan.

About Ed de Leon

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …