Thursday , June 4 2026
Vilma Santos

Ate Vi mas relax sa showbiz kaysa politika

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI raw kaya malimitahan ang takbo ng pagiging aktres ni Vilma Santos ngayong ang asawa niya, si Secretary Ralph Recto ay may hawak ng isang napakataas na posisyon sa gobyerno (Department of Finance)? Ang sagot namin diyan ay hindi. 

Iba naman ang propesyon ni Ate Vi at bago pa man sila naging mag-asawa ay talaga namang artista na siya. Isa pa, ang posisyon ni Sec Ralph ay walang masasabing conflict of interest kung sakali man at artista si Ate Vi. Napakalayo ng showbusiness sa usapin ng pananalapi.

Isa pa, palagay namin ay hindi talaga question iyan. Hindi naman ngayon lang siya humawak ng ganyang cabinet post. Kung natatandaan ninyo si Sec Ralph ay humawak na rin ng posisyon bilang director general ng National Economic Development Authority o NEDA noong panahon ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo, at iyon ay katumbas na rin ng isang cabinet post pero hindi naman iyon naging problema sa pagiging isang aktres at politician pa rin noon ni Ate Vi. In fact, maaari nga sigurong mag-compliment ang kanilang mga trabaho. Si Ate Vi bilang isang sikat na aktres ay mabilis na makakapagpaabot sa bayan ng mga impormasyong mahalaga para sa pagpapatibay ng ating ekonomiya at pananalapi ng bansa. On the other hand, baka naman makatulong si Sec Ralph sa matagal nang hinihiling ng mga taga-industriya ng pelikula na matulungan naman sila na mabawasan ang napakalaking tax na isinasampal ng gobyerno sa industriya, although iyan ay dapat na maging isang batas na magsisimula sa Kamara, dahil lahat ng tax measure ay dapat na sa Kamara manggaling. 

Pero siguro kung ang secretary of finance nga ay magiging sympathetic sa industriya mas mabilis na makukumbinsi ang mga congressman na magpanukala ng tax reduction bill  sa pelikula at kung mangyayari nga iyan hindi ba napakagandang pagtutulungan naman iyan na pakikinabangan ng buong bayan? Tiyak na kung bumaba ang tax, bababa rin ang singil ng mga sinehan na mas maraming taong manonood ng sine at kung mangyayari iyon baka mas malaki pa ang kitain ng gobyerno sa taxes. Hindi nga lamang nila napag-aaralan nang husto iyan eh na sana mapag-aralan nga ngayon sa pangunguna ni Sec Ralph.

Sa parte naman ni Ate Vi, mukhang gusto na niya ang matahimik at mas madaling buhay kaya gusto na niyang balikan ang showbusiness dahil mas relaxed kaysa nasa politika siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …