Thursday , June 25 2026
Blind Item, Men

Aspiring male star umamin regular client sina gay tv host ay may edad na matinee idol

OPEN secret na para sa isang dating aspiring male star ng isang tv network ang kanyang hanapbuahy sa ngayon. Inaamin niyang pumapatol na siya sa mga bading, basta tama ang presyo at kabilang daw sa kanyang regular client ang isang gay tv host at isang may edad na ring matinee idol.   

Ipinagyayabang pa niyang mas malaki ang kita niya sa kanyang propesyon ngayon kaysa noong nag-aartista siya. Dahil wala namang name, binabayaran daw siya ng P15K sa isang taping na minsan inaabot ng maghapon at magdamag. Babawasan pa iyon ng porsiyente ng kanyang manager at mga talent coordinator na kumukuha sa kanya. Eh sa kanyang ginagawa ngayon, iyon daw P15 o P20K, kikitain niya sa sandaling date lamang.

Hindi niya inisip ang peligrong magkasakit siya dahil sa kanyang ginagawa, lalo na nga’t inamin niyang ayaw ng safe sex, o iyong gumagamit ng condom lalo na sa mga foreigner.

Eh ano ang aasahan ninyo kung ganyan. Inamin din niyang naging alcoholic siya para magawa niya ang ginagawa niya kasama ang kanyang mga “guest.” Anong buhay na nga ba ang tinatahak niya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …