Tuesday , July 16 2024
Vice Ganda

Vice Ganda naglaho na ang magic, MMFF movie lagapak  

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG natapos na yata ang pagiging box office top grosser sa Metro Manila Film Festival na hinawakan ni Vice Ganda simula noong 2011. Noong 2020, pinadapa ng pelikula ni Aga Muhlach na Miracle in Cell No,7 ang The Mall The Merrier ni Vice at ngayon namang 2022, nang magbalik ang MMFF sa mga sinehan matapos ang dalawang taong pandemya, lagapak ang kanyang pelikula sa entry ni Nadine Lustre, iyong Deleter, na bukod sa naging top grosser ay humakot pa ng awards sa festival.

Mukhang naglaho ang magic ni Vice nang mamatay ang kaibigan niyang si direk Wenn Deramas.

Ang pelikula ni Vice ay walang nakuhang award. Obvious din na matapos ang tatlong araw sa sinehan, nagbabawas na iyon ng mga sinehan sa kabila ng halos araw-araw niyang paglilibot para maakit ang fans na panoorin iyon. Saan nagkamali si Vice?

Ang unang pagkakamali niya ay ang hindi pagpapalit ng formula sa kanyang mga pelikula. Iyon at iyon din ang parang comedy bar niyang pagpapatawa. Siguro ang isa pang pagkakamali niya ay todo siyang kampante na ang promo niya sa social media ay sapat na. Kaya ngayon nadale siya nang todo, carambola.

Kung mayroon mang tatalo kay Vice, hindi namin inaasahan na Deleter iyon, pero talagang matalino na ang mga tao. Hindi na sila matatangay nang ganoon lang. Ang isa pa, off the air ang nawalan ng prangkisang ABS-CBN, na noon ay nagbibigay ng matinding back up kay Vice. Hanggang ngayon naman ay ganoon, kaya nga kahit na

lumuluha na sila sa takilya, sinasabi pa rin nilang siya ang top grosser, batay lang naman sa first day gross. Nagsimula kasing mag-overtake si Nadine pagkatapos ng awards noong ikatlong araw ng festival.

Hindi naman namin sinasabing kailangan na siyang mag-retire, kaya lang baka kailangang magbakasyon muna at magpalipas ng malas.

About Ed de Leon

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …