Thursday , June 4 2026
Mommy Divine Geronimo

Nanay ni Sarah na si Mommy Divine pinadalhan na ng notice ng DOLE

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINADALHAN na raw ng notice ng DOLE ang nanay ni Sarah Geronimo na si Divine Geronimo, kaugnay ng naging reklamo laban sa kanya ng isang empleado. Isa lang naman iyong face to face conference. Ang DOLE naman, hanggang magagawang ayusin ang problema sa pagitan ng mga manggagawa at employers, inaayos nila iyan lalo na’t maliit na negosyante lang naman ang involved. Kung hindi talaga maayos at saka iyan idinudulog sa NLRC.

Pero ganoon din ang gagawin ng NLRC, kung hindi rin naman napakalaking problema inaayos iyan ng isang mediation committee, dahil kung lahat naman ng sasampahan nila ng kaso, aba eh kailan pa madedesisyonan ang napakaraming reklamo? Matatambakan lang sila.

Palagay namin maaayos naman iyang problemang iyan ng nanay ni Sarah, lalo na nga’t katatapos lang ng pandemic, may umiiral na inflation, at ano nga ba ang mapipiga mo sa maliit na negosyante? Kung tumigil pa iyan sa negosyo, lalong dadami ang walang trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …