Thursday , June 25 2026
vice ganda coco martin

Movie nina Vice at Coco kulang sa publicity; Box office forecast sa MMFF wala pa

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA taong ito, wala pa kaming naririnig na box office forecast para sa Metro Manila Film Festival. Ang narinig lang namin ay iyong palagay ni Boots Anson Rodrigo na hindi maaaring asahan na kumita ang sampung araw na festival ng P1-B kagaya ng dating record. Siyempre ang sinasabing dahilan ay may pandemic pa.

Iyan ay sa kabila ng sinabi ng World Health Orgnization na maaaring sa Enero ay tumawag na sila ng pagpupulong para ideklarang tapos na ang pandemic sa buong mundo. Ibig sabihin, ang pumapatay na lang sa negosyo ay ang umiiral na inflation.

Dahil sa idinadahilang pandemic at inflation, walang masyadong malaking pelikulang ginawa para sa festival. Totoo na may pelikula rin si Vice Ganda na dati ay nagta-top grosser. May pelikula rin si Coco Martin na nagbanta rin sa pagiging top grosser, pero ang dalawang pelikula ay halos walang publisidad. Ang nakapag-promote nang husto ay iyong mga pelikulang walang box office stars. Maaari kasing sikat din ang artista, pero wala pang pruweba sa takilya.

Sa nakita naming trend bago ang festival, ang mga pelikulang Filipino ay inilalampaso sa takilya ng mga pelikulang Ingles. Ang dahilan, ang mga pelikulang Ingles ay “better produced” at kung pareho lang ang bayad, saan ka manonood? Hindi ba roon sa alam mong ginawa nang mahusay ang pelikula?

Hindi naman tama ang pinagsasabi nilang ‘tangkilikin ang pelikulang Filipino” dahil tayo ay Filipino, eh iyong mga artista natin mismo ipino-promote pa ang mga artistang Koreano, o  kaya nag-aambisyon sa abroad na para bang sinasabing hindi sapat sa kanila ang kasikatan sa Pilipinas. Hindi rin naman sumikat sa abroad.

Wala nga sigurong gumagawa ng forecast, dahil malabo naman iyong gumawa ka ng forecast na maliit lang naman ang kikitain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …