Saturday , July 27 2024
Fernando Poe Jr Ave FPJ

Kalyeng ipinangalan kay FPJ naging kasumpa-sumpa

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO ang naaalala namin ngayon sa tuwing madadaan sa Fernando Poe Jr.Avenue?Ang nararamdaman namin ay inis, hindi dahil kay FPJ, ikinatutuwa nga namin na sa kanya ipinangalan ang kalye.

Ang nakaiinis doon, iyong traffic na mula Quezon Avenue hanggang sa Del Monte Avenue na. Halos kalahati ng FPJ Avenue mistulang parking lot na. Mukhang panatag lang naman ang mga barangay at ang traffic bureau ng Quezon City dahil katuwiran nila, “talagang traffic eh.” Kasalanan iyan ng DPWH, dahil sa kakulangan ng planning.

Hindi nila naisip na noong itayo nila ang Skyway, maaapektuhan ang Quezon Avenue, at walang magagawa ang mga tao kundi mainis o magmura na lang.

Hindi rin yata nila naisip na dahil ma-traffic mas kailangan ang mga traffic enforcer  para makatulong. Iyong mga traffic enforcer na dati ay laging naroroon para tingnan kung may OR-CR ang mga motorsiklo, ngayon ay naging “invisible” na.

Ang buhay nga naman. Kung kailan ipinangalan na nang husto kay FPJ ang kalye, naging kasumpa-sumpa naman iyon dahil sa traffic.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …