Wednesday , April 17 2024
Roderick Paulate

Aksiyong legal mas kailangan ni Kuya Dick

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI naman natin maikakaila kung gaano kahusay makisama si Roderick Paulate sa mga kasama niya sa showbusiness, simula noong bata pa siya hanggang magka-edad  na nga. Natatandaan nga namin noon, si Ate Vi (Vilma Santos) basta mainit ang ulo ipinatatawag si Roderick para siya pakalmahin.

Noong isang araw, may nakita rin kaming reaksiyon ni Carmi Martin, na noong panahon ng kanyang kasikatan ay nagkaroon din ng isang musical-variety show na ang co-host ay si Roderick. Hindi rin siya nakapagpigil sa pagsasabi kung gaano kabuting tao si Roderick at nagpahayag nga ng kalungkutan sa naging hatol ng hukuman sa kaso niyang graft. Pero malaki ang kaibahan niyon eh. Iba iyong pagiging mabuting tao niya kaysa roon sa tinalakay na kaso sa hukuman. Iyong hukuman maaaring naniniwalang mabuting tao ka pero siyempre naka-base

sila sa ebidensiyang ihaharap laban sa iyo.

Hindi pa naman iyan ang katapusan ng lahat. Sandigang Bayan lamang ang humatol kay Roderick, maaari pa siyang umakyat sa Court of Appeals at sa Supreme Court, na maaari siyang mangatuwiran at makapagharap ng iba bang ebidensiya. Kung ano ang desisyon ng pinakamataas na korte, iyon ang masusunod, at saka na tayo mag-react.

Hindi rin naman makatutulong kay Kuya Dick ang anumang sasabihin tungkol sa kanya sa ngayon, mabuti man o masama. Kasi lalo lang nadidiin sa isipan ng mga tao at sa totoo lang nakadadagdag pa iyon sa stress ni Kuya Dick.

Sa ngayon ay mga aksiyong legal muna ang kailangang gawin, at kung may maitutulong 

nga kayo sa labang legal, iyon ang kailangan.

Hindi ang personal na opinion.

About Ed de Leon

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …