Friday , April 19 2024
Krystall Herbal Oil

Allergic sa malamig na panahon, sagot ng alagang Krystall Herbal Oil 

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Lizafleur Decena, 45 years old, taga-Quezon City, empleyado sa isang private company.

               Ang nais ko pong i-share sa karanasan ko sa Krystal Herbal Oil ay nang atakehin ako ng asthma dahil sa sobrang lamig ng panahon plus high cold temperature ng airconditioning unit sa aming office.

               Akala ko po noon ay madadala na ako sa ER (emergency room) ng ospital na malapit sa amin, dahil sinumpong ako ng ihit ng ubo, at halos hindi na makahinga.

               Noong una ay naramdaman ko na nagbara ang ilong ko at parang nangongo ako. Maya-maya parang sumisikip na ang dibdib ko, kasunod no’n ay nagkandaihit na ako ng ubo. 

               Dahil nakita ng officemate ko na parang hirap na akong makahinga, bigla niyang inilabas sa drawer niya ang Krystall Herbal Oil, saka ako hinaplasan at paulit-ulit na diniinan ang sabi niya’y major lung point sa pamamagitan ng acupressure.

               Halos 30 minutes niyang ginawa sa akin iyon hanggang maya-maya pa, humupa na ang aking pag-ubo.

               Tapos, nakita ko ulit may inilabas siyang sachet, ang nakasulat Krystall Nature Herbs. Itinimpla niya ang kalahati sa isang tasang mainit na tubig at iyon ang ipinainom sa akin. Pero tinanong muna niya ako kung hindi ba ako gutom. “Hindi naman,” sabi ko.

               Nang simulan kong inumin ang Nature Herbs may kakaiba ulit akong naramdaman. Parang may pumiglas na lamig tapos bigla akong pinagpawisan. Habang pinapapawisan po ako, naramdaman ko gumagaan na ang dibdib at tumigil na rin ang tulo ng sipon.

               Ay ibang klase talaga ang mga imbensiyon ninyo Sis Fely. Malaking tulong sa aming kalusugan. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ni Yahweh El Shaddai sa inyong mga gawain.

Maraming salamat po,

LIZAFLEUR DECENA

Quezon City

About Fely Guy Ong

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …