Saturday , February 4 2023
Jake Cuenca by Andrei Suleik
Jake Cuenca by Andrei Suleik

Jake ibinuking ang ilang closeta sa showbiz

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI maikaila ni Jake Cuenca na marami siyang kilalang taga-showbiz na “nagtatago pa sa closet.”  Hindi naman kasi maikakaila na pinasukan din ni Jake ang sexy image noong araw, at natural hindi man niya aminin, tiyak na nilapitan siya ng mga nagtatago sa closet.

Mayroon nga kaming alam na isang closeta  na talagang nagpilit na maging kaibigan niya noon, hindi nga lang yata nakalusot.

Nabanggit lang naman iyan dahil isang closet gay ang role ni Jake sa pelikula niyang My Father, Myself. Nakipag-kissing scene siya sa pelikulang iyan sa kapwa niya lalaki. Eh hindi ba noong araw mayroon nga silang mas mainit pang role na ginawa nila ni Joem Bascon sa isa nilang pelikula.

Pero sa totoo lang, bagama’t gumawa siya ng mga ganoong pelikula, ngayon lang totoong gay ang kanyang role. Pero sabi nga niya, matured na naman siya para tumanggap ng ganoong klaseng role,isa pa, matured na rin naman ang audience ng mga pelikulang ganyan at hindi na issue iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …