Friday , April 25 2025
Krystall Herbal Oil

Toddler ‘pinapak’ ng langgam, iniligtas ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Tawagin na lang po ninyo akong Manang Emma, 58 years old, isang barangay health worker dito sa aming barangay sa Malabon City.

               Ang ibabahagi ko po ay tungkol sa isang sanggol na aming nasagip nang itapon ng kung sinomang walang pusong magulang sa basurahan.

               Dalawang taon na po ang nakalilipas nang mangyari ito. Isang gabi po habang nagroronda ang aming mga tanod, may narinig silang uha ng sanggol. Noong una ay natakot sila baka raw tiyanak. Pero dahil walang tigil ang uha, napilitan silang hanapin at doon nga nila natunton sa basurahan.

               Nakupo, muntik po silang himatayin dahil papalapit na ang isang malaking daga mabuti na lang at nauna sila, pero nang kargahin nila, nakita nila ang daming langgam at may mga kagat na ang bata.

               Agad po nilang dinala sa barangay health center ang bata para bigyan muna ng paunang lunas bago dalhin sa doktor o sa ospital kasi nga, nag-uumpisa noon ang pandemya.

               Dali-dali nila akong tinawagan at pinapunta sa barangay. Dahil alam kong emergency, agad ko pong ibinulsa ang aking Krystall Herbal Oil. Nang makita ko ang sanggol, nakupo, grabe, durog na durog ang puso ko kaya agad akong nag-init ng tubig at pinaliguan ng anti-bacterial soap ang bata. Pagkapaligo ay agad kong tiningnan ang kabuuan ng sanggol at nakita ko ang malalaking pantal na kagat ng langgam.

               Kumuha po ako ng bulak at binasa ng Krystall Herbal Oil saka magaan na idinampi sa mga pantal ng sanggol. Tuwing matutuyo o maa-absorb ng skin ang Krystall herbal miracle oil, muli ko na namang dadampian. Hindi ko po tinigilan hanggang mawala ang pamumula.

Alam po ninyo Sis Fely, sa loob ng limang oras, nawala po ang mga pantal sa katawan ng baby at parang nagdahilan lang.

Dati na po akong bilib sa Krystall Herbal Oil, pero hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob ng limang oras ay mawawala agad ang sandamakmak na kagat ng langgam sa sanggol.

Praise God po talaga! Kasi po ginamit niyang instrument ang inyong imbensiyon para makapagpagaling.

Maraming salamat po Sis Fely. More power and God bless you even more.

Ang inyong tagasubaybay,

MANANG EMMA

Malabon City

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

ICTSI Earth Day FEAT

Earth Day 2025: Panahon na para kumilos, hindi lang magdiwang

TAON-TAON, tuwing 22 Abril, ginugunita natin ang Earth Day — isang pandaigdigang kilusan para sa …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters (Earth Day)

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …