Monday , August 8 2022
Christian Bables Perci Intalan Jun Robles Lana

Christian Bables proud maging IdeaFirst baby

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAKATAPOS na naman si Christian Bables ng bagong pelikula sa ilalim ng produksyon ng The IdeaFirst Company na idinirehe ni Perci Intalan.

Kaya naman hindi maitago ni Christian ang kasiyahan sa kanyang social media post na sinabi niya kung gaano siya ka-proud maging isang IdeaFirst baby kasabay nang pagpapasalamat sa IdeaFirst bosses na sina Direk Perci at Direk Jun Robles Lana.

Ayon sa Facebook post ni Christian, “It’s a wrap. Always a joy working with my The IdeaFirst Company family. Hindi na nga work eh. As for me, hindi ko na ramdam na nag ttrabaho ako dahil ang sarap umarte pag pamilya ang kasama at sobrang passionate ng lahat sa paligid mo.

“As always, thank you for the trust and confidence, direk Perci Intalan and direk Jun Robles Lana. Thank you sa pag titiwalang kaya kong bigyan ng puso ang mga very challenging characters sa mga kwento niyo. Lagi at lagi akong may baon na lessons from you. Proud and blessed to be one of your IdeaFirst children, mga direk!

“To all my co actors, staff, and crew, thank you for making this project, a happy and memorable one! Love you all!

“Proud to be an IdeaFirst baby! See you soon, Dali and Angel! #AFilmByPerciIntalan #Soon”

Unang nakilala si Christian sa mundo ng pelikula at showbiz dahil sa mahusay niyang pagganap sa award-winning IdeaFirst movie na Die Beautiful, na humakot siya ng Best Supporting Actor awards.

Ang pelikula niyang Big Night, na nagwagi na siya ng Best Actor award, ay sa ilalim din ng produksyon ng IdeaFirst at sa direksyon ni Direk Jun. Bahagi ang Big Night ng isinasagawang Pelikulaya: International LGBTQIA+ Film Festival na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines. Sasabak din ang Big Night sa New York Asian Film Festival sa July 15-31 bilang tanging Filipino film na nakapasok sa prestihiyosong international filmfest ngayong taon.

About Glen Sibonga

Check Also

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …