Friday , July 1 2022
Rhea Tan Beautederm Marian Rivera Bea Alonzo

Beautederm CEO Rhea Tan honored maging endorsers sina Marian at Bea

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MALAKING karangalan para sa Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na napabilang sa Beauterm family bilang brand ambassadors ang dalawa sa mga reyna ng Philippine showbiz na sina GMA Primetime Queen Marian Rivera at New Generation Movie Queen Bea Alonzo.

Si Marian ang natatanging Face of Beautederm Home na kamakailan ay pumirma ulit ng kontrata sa Beautederm for another 30 months. Noong March 2022 naman ay inilunsad si Bea bilang brand ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox, na kabilang sa Beautederm Health Boosters line.

“Ang magkaroon ng Marian at Bea sa Beautederm ay isang malaking karangalan. I’m really grateful! Sino ba naman ang hindi kikiligin na may Marian ka na, may Bea ka pa! Mahal na mahal ko silang dalawa,” bungad ni Ms. Rhea nang ma-interview namin siya.

Puno rin ng mga papuri at magagandang salita si Ms. Rhea para sa dalawang reyna.

Ayon nga kay Ms. Rhea ukol sa misis ni Dingdong Dantes, “Si Marian, gandang-ganda ako sa kanya. Mama Mary siya hahaha. ‘Yung eyes niya sobrang ganda laging naka-smile. What I love about her napaka-witty niya, ‘di ba? Ang ganda niya tapos palatawa lang siya. Mas lalo ko siyang minahal noong naging nanay siya. Kasi super hands on. She knows her priorities sa buhay. Laging number one ang family kaya the best siya para sa Beautederm Home. Nag-e-excel hindi lang sa work kundi pati sa bahay.

“Para na kaming magkapatid ni Marian. Baby sister ko siya as she is the sweetest and the kindest, at isa siya sa pinaka-propesyonal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with Beautéderm Home. But more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya.” 

Papuri naman ni Ms. Rhea kay Bea, “Si Bea naman right endorser siya sa slimming products natin—ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. Kasi sinasabi niya na pwede kung gusto mo, ‘di ba? Self-love ‘yun sa ating mga kakabaihan. Need nating alagaan health natin dahil marami rin ang umaasa sa atin kaya need natin maging healthy.

“Bea is super sweet. Kaht maliit na bagay ang ipadala ko sa kanya she takes time to acknowledge it. I call her Basha talaga kasi favorite ko movies nila ni John Lloyd (Cruz).

“Si Bea super idol ko iyan. Inulit-ulit ko watch movies niya. At alam niya ‘yun, even teleserye niya inuulit ko at tag ko sa kanya. Napakagaling na actress. Kaya when she said yes to be one of my endorsers, sobrang saya ko at nakilala ko ang isang Bea Alonzo na box office queen at movie queen.”

Hinahangaan din ni Ms. Rhea ang pagtulong nina Marian at Bea hindi lang para ma-promote ang Beautederm kundi pati ang advocacy ng kompanya at brand na makatulong sa mga tao at bawat pamilya.

“As endorsers, kitang-kita ko ang efforts nila to help me promote the brand pati advocacy namin kaya I truly appreciate them. Ang mission ng Beautederm ay hindi lang pampaganda, pampasexy, at pampabango ng bahay. Ang company natin ay may mission para marami tayong matulungang buhay din. Maraming mga nanay ang nagiging mas confident na gumanda physically and at the same time gumanda ang buhay dahil sa pagpasok nila bilang reseller ng Beautederm. Bukod diyan ang company natin ay maraming natutulungan at pinapag-aral through scholarships. And happy ako na kasama ko sina Marian at Bea sa pag-spread ng advocacy na ‘yun,” pagmamalaki pa ni Ms. Rhea.

About Glen Sibonga

Check Also

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …

Atom Araullo Toni Gonzaga Cris Villonco

Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM

HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng …

Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting …

Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang …

Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon …