Saturday , June 25 2022
Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan kaya naman naging madali para sa kanila na ituloy ang kanilang partnership sa muling pagpirma ng kontrata ng GMA-7 Primetime Queen bilang Face of Beautéderm Home for another 30 months sa mediacon na ginanap noong May 24 sa Luxent Hotel.

Pero para kay Marian, ‘yung kontrata ay for formality’s sake lamang nang makausap namin siya sa mediacon. “Minsan ‘yung 30 months echos lang. Masabi lang na may contract. Pero tulad ng sinabi ni Ate Rei (Rhea) go with the flow lang kami. Everything in the contract ‘pag kailangang gawin, gagawin namin siya. So, parang formalization lang siya na may mga contract. But sabi nga niya, ‘It’s just for formality kaya may contract.’ 

Nang sabihin namin na siyempre ‘yung friendship nila ni Ms. Rhea ay walang kontrata, biglang humirit si Marian, “Mayroon… for life!”

Happy lang si Marian na tuloy-tuloy siya sa pagiging natatanging ambassador ng Beautederm Home. “Maligaya po ako sapagkat tumagal ang relationship ko sa Beautederm Home at excited po ako as I look forward to many more years with this brand na talaga namang malapit sa puso ko. We have worked so hard in developing these new products at very proud ako na ipakilala ang mga ito sa lahat.” 

Ayon naman kay Ms. Rhea, malalim na ang samahan nila ni Marian at talagang pinahahalagahan niya ito. “Marian is an extremely valued member of the Beautéderm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador of Beautéderm Home for another 30 months and hopefully more years in the future,” ani Ms. Rhea. “Para na kaming magkapatid ni Marian. Baby sister ko siya as she is the sweetest and the kindest, at isa siya sa pinaka-propesyonal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with Beautéderm Home. But more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya.” 

Dahil nga solid na ang friendship nila, natanong tuloy namin sila kung nagpaplano rin ba silang mag-bonding hindi lang silang dalawa kundi kasama pati ang kanilang mga pamilya?

“Actually, dapat bago magpandemya pupuntahan namin siya sa Pampanga, nag-usap na kami. Dadalhin ko ‘yung kids and Dong (Dingdong Dantes). Kasi gusto ni Dong to visit Ate Rei rin. So, hindi natuloy dahil sa pandemya. Siguro ‘pag hindi na siya busy, maayos namin. At saka kami ni Dong committed sa sitcom (Bonggang Villa). So, pwede naman. Pupunta siya sa akin o ako sa kanila. Open kami na may ganoong mangyayari,” sagot ni Marian.

Pwede rin kaya ‘yung out-of-town? “’Yung outing baga, outside? Pwede naman. Bilang brining-up mo ‘yan, pag-uusapan namin.”

How about out-of-the-country? “Mayroon kaming out-of-the-country, hindi lang natuloy kasi may pandemya. Sa Singapore dapat,” ani Marian.

Dagdag pa ni Ms. Rhea, “Sana matuloy na ‘pag pwede nang bumiyahe.”

Nagsimula ang magandang samahan at pagkakaibigan nina Marian at Ms. Rhea noong 2018 pa nang ipakilala ang sikat na Kapuso actress bilang Face of Beautederm Home kasabay ng paglulunsad ng Reverie – na isang exquisite line ng mga home scent na kinabibilangan ng mga soy candles at air purifiers at pati na rin ng mga room at linen sprays.

Ang Reverie ay play of words ng pangalan ni Ms. Rhea o Rei at ng pangalan ni Marian noong siya ay dalaga pa; at ang konsepto ng gustong ipadama ng brand sa mga user nito ang ma-relax habang tinatamasa ang kakaiba at matatamis na mga amoy ng pag-ibig na dulot ng Beautéderm Home. 

Ang unang mga produkto sa ilalim ng Reverie line ng Beautéderm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) na lahat ay nilikha mula sa formulation hanggang sa individual packaging sa malapit na pakikipag-ugnayan kay Marian. Noong 2021, ipinakilala ng line ang dalawa pang additional scents – ang Matcha To Love at Take Me Away. 

Level-up ang Beautéderm Home ngayong taon sa pag-introduce nito sa mga brand-new at essential na mga produkto sa ilalim ng Reverie line na hindi lamang magpapabango sa bawat tahanan ngunit poprotektahan din ang mga ito mula sa mga germs, bacteria, at viruses. 

Ang una sa mga bagong produkto ay ang Pour Tout Faire – na isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects para instant ma-disinfect ang  surfaces dahil pinapatay nito ang mga bacteria at viruses upon contact. May dalawang variants ito – ang Fresh & Vibrant at Clean & Calm. Ideal ang Pour Tout Faire sa pag-sanitize ng hangin para sa mga linen at lahat ng surfaces at maaari rin itong i-spray sa balat ng tao at sa mga damit at 100% na ligtas din ito para sa mga bata at pets. 

At bilang special treat sa partnership renewal ng Beautéderm Home at ni Marian, maglalabas ang Reverie ng special limited-edition soy candle box set na may tatlong bagong scents na kinabibilangan ng Inviting Cherimoya, Irresistible Vanilla, at Tempting Pear and Melon.

About Glen Sibonga

Check Also

SM Southmall Southtopia UFC

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang …

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

Krystall B1B6 Krystall Herbal Oil

Pasma ng mananahi nilutas ng KRYSTALL Herbal Oil at ng Krystall Vitamins B1 B6

Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po si Annie Mateo, 46 years old, ng …

Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PAni Rommel Placente SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa …

Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na …