Saturday , June 25 2022
Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Elijah at Kokoy umaming nag-‘live-in’

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGSAMANG muli sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos, ang mga bida ng hit Pinoy BL series na Gameboys, para pasayahin ang kanilang fans at ipagdiwang ang World Gameboys Day noong Linggo, May 22, na itinaon din sa release ng Gameboys Season 2 kinagabihan.

Natuwa ang fans na mapanood via Livestream sa Facebook page at YouTube channel ng The IdeaFirst Company na magkasama in person at in one frame sina Elijah at Kokoy habang nagkukulitan, naglalambingan, at sumasagot sa tanong ng fans at press. Nagsilbi rin itong online reunion ng Gameboys cast dahil nakasama rin ng dalawa sina Adrianna So, Kych Minemoto, at Miggy Jimenez plus may special guests pa na sina Alex Diaz at Paolo Pangilinan, na parehong parte na rin ng Gameboys Universe.

Masayang-masaya nga sina Elijah at Kokoy sa muli nilang pagsasama para sa Gameboys 2 lalo na nga’t pareho silang naging abala sa kanya-kanyang individual career at projects pagkatapos nilang i-shoot ito.

Ayon nga kay Elijah, “It’s like we’re going back home lang kasi it’s still pandemic, it’s still alive, ‘yung virus and marami pa ring naaapektuhan. Maraming nangyayari like ako nga galing akong Baguio nag-taping ng teleserye. Si Kokoy marami ring ginagawa. Lahat tayo maraming ginagawa. But we really made time for this today because it’s World Gameboys Day. And alam mo ‘yun espesyal talaga ‘yung ‘Gameboys’ sa aming lahat.”

Dagdag pa ni Kokoy, “Totoo ‘yung sinabi ni Elijah na talagang babalik at babalik ka. Kasi ang daming dumaang roles at projects sa amin. Ang dami ring nangyayari sa Pilipinas. So, feeling ko ‘pag nagsasama-sama ulit tayo parang, ‘Ah eto pala ulit yun!’ Babalik talaga lahat.”

Dahil nga sa Gameboys ay naging malapit sa isa’t isa at mas lumalim ang samahan nina Elijah at Kokoy to the point na inamin nilang nagsama sila sa isang bubong. Pero may paliwanag sila tungkol dito.

“For a couple of months after shooting season one of ‘Gameboys’ me and Kokoy decided to live together,”rebelasyon ni Elijah. 

“Yes, totoo ‘yung sinabi ni Elijah,” pag-sang-ayon ni Kokoy.

Pagpapatuloy pa ni Elijah, “Kasi ang dami ring ganap eh. As some of you guys know, si Kokoy lives in Cavite, malayo, and ‘yung time na ‘yun sunod-sunod ang rehearsals, tapings, shoots, interviews. Ang dami naming ginagawa, masyadong hassle ‘yung biyahe for him. Eh, at that time I have an extra room sa unit ko. So, ‘yun doon muna si Kokoy. Marami nag-aakala na bumibisita lang si Kokoy doon. And hindi nila alam doon talaga siya nakatira. Ang saya ring housemate ni Kokoy.”

Ngayon nga kahit hindi na sila magkasama sa bahay ay masaya pa rin nilang binabalikan ang kanilang memories together.

Dahil nga rito ay mas naging komportable na sa isa’t isa sina Elijah at Kokoy kaya mas napaganda pa nila ang kanilang rapport at chemistry sa paggawa ng Gameboys The Movie at Gameboys 2.

Kaya nga ayon sa dalawa, mas maraming sorpresang mapapanood ang mga tao sa Gameboys 2 na hindi pa nila napanood sa season one at maging sa Gameboys The Movie.

Abangan niyo ‘yung mas matinding selosan at marami pang iba,” ani Elijah.

Abangan niyo rin ‘yung hotdog ni Gav,” biro pa ni Kokoy.

Ayon pa sa kanila, mas mature na Cairo at Gavreel, ang characters na ginagampanan nina Elijah at Kokoy respectively, ang mapapanood sa Gameboys.

Bukod sa Gameboys 2, may dagdag sorpresa rin sa fans sina Elijah at Kokoy sa paglabas ng Gameboys Gameboxna mabibili online sa theideafirststore.com. Naglalaman ito ng season pass sa KTX.ph para sa buong season ng Gameboys 2, special blueray copy ng Gameboys 1 na inorder pa sa Japan, plus surprise Gameboys items at collectibles.

Directed by Ivan Andrew Payawal, ang Gameboys 2 ay mapapanood via KTX at Vivamax Plus. Every week dalawang episodes ang handog ng The IdeaFirst Company. Na-release na ang first two episodes noong Linggo, May 22. Kaya watch na ng Gameboys 2.

About Glen Sibonga

Check Also

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PAni Rommel Placente SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa …

Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na …

Rufa Mae Quinto Kelvin Miranda Abdul Rahman Shaun Salvador

Shaun balik-showbiz ngayong tapos na sa pag-aaral

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang mapanood ang kauna-unahang sitcom sa GTV, ang TOLS na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda, Abdul …

John Lloyd Cruz

John Lloyd tumanda ang hitsura 

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang hindi nakakilala kay John Loyd Cruz nang pumasyal ito sa isang museum …