Saturday , May 28 2022
Herbert Bautista
Herbert Bautista

Herbert balik sa pagiging komedyante; gagawing project dapat pag-aralan

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURO, sooner or later ay babalik na si Herbert Bautista sa kanyang pagiging komedyante. Roon naman siya magaling eh. Doon siya hihangaan ng mga tao. Nito nga lang bandang huli mukhang hindi magagandang projects ang naipagagawa sa kanya. Tipo bang naiinip siya kaya kahit ano na lang ang dumating ok na. Pero mali iyon eh.

Si Mang Dolphy noon, hindi mo mapagagawa iyan ng kahit na anong klase lang na pelikula. Pinag-aaralan niya iyon. Pati ang mga makakatapat niyang pelikula, pinag-aaralan niya. Kung natatandaan ninyo may panahong ayaw magsabay ng pelikula sa festival sina Mang Dolphy at FPJ. Mahahati kasi ang tao sa kanila.

Pinag-aaralan din ni Mang Dolphy pati kung sinong artista ang makakasama niya sa pelikula. Kung pabigat lang huwag na. Iyan ang mga bagay na hindi nila alam tungkol kay Mang Dolphy. Si Herbert, aminin man niya o hindi, hindi napag-aaralang mabuti ang kanyang mga project. Dapat baguhin na iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …