Friday , May 27 2022
Yassi Pressman Joshua Garcia tiktok

TikTok duet ni Yassi kay Joshua patok sa netizens

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PATOK na patok sa netizens ang ginawang TikTok duet ni Yassi Pressman kasama ang tinaguriang bagong TikTok King na si Joshua Garcia.

Sa kanyang TikTok account, itinabi ni Yassi ang dance video ni Joshua sa kanyang kuha na tila tinatamaan ang kanyang ulo sa bawat galaw ng aktor. 

“#duet with @iam.joshuagarcia sorry josh. I had to HAHA,” ani Yassi sa caption.

Nang mag-deadline kami, ang  TikTok duet nina Yassi at Joshua ay mayroon nang mahigit sa 7 million views at mahigit sa 1 million likes.

Aliw din ang comments ng netizens dahil gusto nilang isumbong kay Cardo Dalisay si Joshua dahil sa ginawa nito kay Yassi sa video.

Si Cardo Dalisay ang role na ginagampanan ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano, na gumanap naman si Yassi bilang asawa ni Cardo na si Alyana.

About Glen Sibonga

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …