Saturday , June 10 2023
Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWAN
ni Ed de Leon

ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager na ang kanilang mga anak. Natawa na nga lang kami, naalala namin child star pa iyang si Chrisopher nang makilala namin, at bata pa rin naman si Gladys nang ipakilala sa amin. Ngayon sasabihing 30 years na silang may pamilya.

Ganoon talaga kabilis ang panahon. At ang nakatutuwa, nagpatuloy din naman ang maganda nilang pagsasama bilang isang pamilya. Hindi nagkaroon ng eskandalo ang kanilang pamilya. Ang

masasabi namin diyan, iyang sina Gladys at Christopher ang dapat

pamarisan. Matagal silang nagligawan, nagkakilala sila nang lubos bago sila nagpakasal, kaya dahil doon nagsama sila na matibay ang relasyon.

Kaya kami talaga, pabor kami sa mahabang ligawan. Huwag kasal nang kasal tapos hiwalay din.

About Ed de Leon

Check Also

Aileen Choi Go Kim Chiu Megasoft

Kim tambay ng Padre Pio Church nang magkasakit ang kapatid

RATED Rni Rommel Gonzales ANG pagiging deboto ni Kim Chiu kay Santo Padre Pio ng Pietrelcina ang isa sa …

Aljur Abrenica AJ Raval Philip Lipnica Lui Lipnica

Aljur at AJ umiwas magpa-interbyu

RATED Rni Rommel Gonzales SA pambihirang pagkakataon ay magkasamang dumalo sa isang public event ang …

VMX Bellas VMX V Viva Cafe

VMX Bellas at VMX V idea ni Boss Vic

REALITY BITESni Dominic Rea SA katatapos na Viva One app launch at 7 Million Subscribers celebration ng Vivamax ng Viva sa …

Karla Estrada Army reservist

Mamshie Karla Phil Army reservist na rin

REALITY BITESni Dominic Rea HINDI lang daw siya isang Mamshie kundi isa na ring reservist …

Angelica Panganiban

Angelika pinag-iisipan pagbalik sa pag-arte

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Angelica Panganiban na  hindi  pa siya handang bumalik sa showbiz. …