Friday , April 26 2024
Rabiya Mateo Lolo Narding Flores

Rabiya abogado ang tulong na maibibigay kay Lolo Narding

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANAWAGAN ang dating Miss Universe contestant at nag-aartista na ngayong si Rabiya Mateo sa kung sino ang makapagtuturo sa kanya kung nasaan si Lolo Narding Flores na gusto niyang tulungan.

Si Lolo Narding iyong 80-anyos na matanda mula Asingan, Pangasinan na hinuli dahil sa bintang na pagnananakaw ng 10 kilo ng mangga. Ang kuwento niyong matanda, siya raw ang nagtanim ng puno ng manggang iyon. Pero alam naman ninyo sa probinsiya, minsan hindi sila aware sa sukat ng kanilang lupa. Dumating ang panahon na ang may-ari ng katabing lupa ay binakuran ang kanyang property, at kasama sa nabakuran ang puno ni Lolo Narding. Iyon namang matanda, dahil sinasabi niyang siya ang nagtanim ng puno, ipinakuha ang bunga at doon nagmula ang kaso. Binabayaran naman daw niyong matanda pero idinemanda na siya, hinuli at nakakulong sa presinto ng pulisya sa Asingan. Pinagpipiyansa siya ng P6,000.

Nang marinig ng mga pulis ang kuwento, naawa sila sa matanda at nag-ambagan na para mapiyansahan si Lolo, pero dahil sa Covid, nakasara ang korte kaya hindi mailagak ang kanyang piyansa. Nakakulong pa rin ang matanda.

May pampiyansa na, kaya kung tutulungan nga ni Rabiya ang matanda, ang dapat siguro ay bigyan niya iyon ng abogado. Mahirap namang lumapit sa PAO, aba iisipin ba ninyong ang namumuno roong si Persida Acosta ay hindi pala bakunado? Siguro natakot din iyan dahil sa dami ng kaso ng Dengvaxia na hinawakan niya noon, at lalong alam

niyang delikado ngayon dahil pipirma ka ng waiver at walang mananagot sa iyo ano man ang mangyari basta binakunahan ka.

Para sa kaalaman ni Rabiya, nakakulong pa si Lolo Narding at siguro nga inaalagaan naman ng mga pulis doon, pero mahalaga na si Lolo ay mabigyan ng isang mahusay na abogado. Isipin mo namang para sa 10 kilong mangga na wala pang P200 isang kilo, kailangan niyang magpiyansa ngayon ng P6,000? At piyansa lang iyan, paano kung bandang huli ay pagbayarin pa siya ng complainant ng mas malaki? Kawalan na ng hustisya iyan kaya kailangan nga ang isang mahusay na abogado na baka siyang maitulong naman ni Rabiya.

About Ed de Leon

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …