Thursday , July 25 2024
Annalyn Manalo Jose Manalo

Asawa ni Jose na si Annalyn yumao na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NABALITA lamang iyon nang ilabas na sa social media ng kanyang mga anak na namatay na pala noong Biyernes si Annalyn, ang hiniwalayang asawa ng komedyante at television host na si Jose Manalo. Walang ibang detalyeng inilabas ang kanilang mga anak. Ni hindi sinabi kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Annalyn. Ang sinabi lang nila ay inaayos na nila ang burol at ang magiging paglilibing doon. Hindi rin nila nababanggit si Jose.

Ilang taon na rin ang nakararaan, naging kontrobersiyal din ang asawa ni Jose dahil sa ilang issues na kinasangkutan niyon. Naapektuhan maging ang papataas na noong career ni Jose dahil sa controversy na umabot pa hanggang sa management ng GMA 7 nang ang sinasabing mga pinagkakautangan ni Annalyn ng kung ilang milyong piso dahil sa alahas ay nag-rally pa sa GMA, sa pag-aakalang ang network nga ang producer ng Eat Bulaga. Nadamay si Jose dahil ang naipambayad sa ilan sa mga utang ay mga tseke niya.

Para mas maiwasan pa ang lalong malaking eskandalo, kailangang magpahinga muna si Jose sa kanyang trabaho sa Eat Bulaga, at sinasabing iyon nga raw ang naging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay.

Nabayaran naman unti-unti ni Jose ang mga kompromiso sa tulong ng Eat Bulaga at nakabalik naman siya sa kanyang trabaho. Mula noon wala na ring nabalita tungkol sa kanila ni Annalyn, bagama’t sinasabi ngang nagpapadala pa rin naman si Jose ng sustento sa kanyang mga anak, pero ang lahat ng iyon ay dumadaan sa Tape Inc., na siyang nangangalaga sa kanyang career.

Wala ka namang maaasahang mabilis na reaksiyon mula kay Jose dahil ang kanilang Eat Bulaga ay replay lamang ng mga nakalipas na episodes para maiwasan na rin ang pagkalat ng Covid.

Siguro sa susunod na mga araw ay lalabas din ang ibang detalye pa ng naging pagyao ng asawa ni Jose. Pero nakikiusap ang pamilya na kung maaari ay mapanatili ang privacy ng kanilang pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati, at karapatan naman nila iyon.

Nakikiramay kami sa pamilya ni Jose sa pagyao ng kanyang asawa.

About Ed de Leon

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Jennylyn nawindang sa diamond bracelet at Hermes bag na regalo ni Ms Rhea Tan

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Huwebes, opisyal na inilunsad si Jennylyn Mercado bilang endorser ng …

Charlene at Aga binigyan ng sariling identity sina Atasha at Andres

RATED Rni Rommel Gonzales MAY reaksiyon rin si Charlene Gonzalez tungkol sa pag-arte sa harap ng kamera …

Gary Estrada Bernadette Allyson Kiko Estrada

Gary ayaw makatrabaho ang ka-pamilya; Kahit si Kiko o asawang si Bernadette

RATED Rni Rommel Gonzales MAY rebelasyon sa amin si Gary Estrada. “Alam niyo ba sa tagal kong …