Tuesday , July 16 2024
Movies Cinema

Paggawa ng pelikula dapat ng seryosohin

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA halos balita sa showbiz. Talagang bagsak ang industriya at natanggap na nga nila iyon na walang kumita isa mang pelikula sa ginanap na Metro Manila Film Festival (MMFF). Kaya nga nag-announce sila ng nanalo ng awards, pero ang hinihintay na report kung sino ang top grosser ay tahimik sila, paano wala namang “gross.”

Ang nagpapatuloy lang ay ang mga maliliit na indie na matagal nang tapos, na wala naman halos kasamang mga artistang may pangalan at ipinalalabas lamang sa internet dahil tiyak din namang malulugi lang kung ipalalabas pa sa mga sinehan.

Hindi na rin umepekto ang mga pralala nila sa Facebook. Nahahalata kasi ng mga tao na ang inilalabas ng mga bayarang pralala na grabe kung pumuri kahit na sa mga pangit na pelikula ay puro bola lang.

Panahon na nga siguro para seryosohin nilang muli ang paggawa ng pelikula. Iyong kikita naman sana ang gawin nila at hindi iyong puro kahalayan lamang.

About Ed de Leon

Check Also

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …

cyber libel Computer Posas Court

Batas laban sa Cyber Crime malabnaw

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin sa isang video na napanood sa programa …

The EDDYS at Urian buo ang kredibilidad sa pagbibigay ng award

HATAWANni Ed de Leon KUNG mga award ang ating pag-uusapan, para sa amin ay mas …

InnerVoices

InnerVoices patuloy sa paghataw, 2 songs ng banda official entries sa Awit Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMING aabangan sa InnerVoices bago matapos ang taon. Kabilang dito …

Marian Rivera Balota Kip Oebanda

Balota  pinalakpakan sa Cinemalaya

RATED Rni Rommel Gonzales PINASILIP ang ilang eksena ng Cinemalaya entry na Balota, ang pelikulang pinagbibidahan ni Marian Rivera, sa …