Friday , May 27 2022
Joko Diaz

Joko happy na unti-unting nakababalik ang action

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI lang naman sexy, ang totoo isang action picture rin naman ang pelikulang Hugas. At kahit na sinasabing suporta lang ng mga bida si Joko Diaz, ang totoo sila naman ni Jay Manalo ang nagdala ng mga eksenang action.

Natutuwa si Joko na unti-unti ay nakababik na ang mga action picture sa ngayon, at sinasabi nga niya na dahil sa sistema ng paggawa ng pelikula sa ngayon, mas madali na kaysa dati at mas safe ngayon ang mga action scene. Hindi kagaya noong araw na kailangang gawin ng mga action star ang mga mahihirap na eksena, ngayon mayroon na silang CGI na maipakikita ang magandang action at hindi na kailangang iyong artista mismo ang gagawa niyon.

Aminado siya na hindi pa nga lubusang nakababalik ang mga action movie noon, kasi nga magastos kung talagang full action movie ang gagawin mong pelikula, kaya ang ginagawa naman ngayon ng mga producer, nilalagyan nila ng action scenes ang ibang mga pelikula.

Sa ngayon, happy naman si Joko sa ganoong sitwasyon.

About Ed de Leon

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …