HATAWAN
ni Ed de Leon
BILANG tanda raw ng kanyang loyalty sa ABS-CBN, ni hindi pumasok sa isip niya na umalis at lumipat ng network kahit na iyon ay nawalan na ng franchise, at kahit na ang boyfriend niyang si Xian Lim ay napapanood na nga sa kanilang rival network.
Malakas ang usapan noon na baka lumipat na rin si Kim para magkasama sila ni Xian, pero sinabi niya napalaban pa nga siya noong mawalan ng franchise ang ABS-CBN, tapos aalis na lang siya?
Iyang mga kagaya ni Kim Chiu, dapat naman magpakita sila ng loyalty. Hindi siya magkakaroon ng career kung hindi siya napasali sa contest ng ABS-CBN. Hindi rin naman siguro siya mapapansin kung hindi siya binigyan ng todong build-up ng network. Kalokohan naman sigurong iwanan niya ang network na nagbigay ng lahat ng break sa kanya. At saka in the first place, may offer ba namang iba?