Sunday , October 13 2024
Joven Tan

Direk Joven ‘di malaswa at ‘di walanghiya ang mga pelikula

HATAWAN!
ni Ed de Leon

BILIB din kami sa kaibigan naming si Direk Joven Tan. Sa kabila ng hirap na gumawa ng pelikula dahil sa pandemic gumagawa pa rin siya ng pelikula. At natutuwa kami dahil ang mga pelikula niyang ginagawa ay inspiring. Noong nakaraang taon, ginawa niya ang pelikulang Suarez, na nagbibigay ng lakas ng loob sa mga maysakit at nagsasabing mapapagaling pa rin sila sa awa ng Diyos.

Ngayon naman ang bago niyang pelikula ay iyong Yorme. Iyan ay isang kuwento ng pag-asa, at nagsasabi sa lahat na ang kahirapan ay hindi dahilan para mawalan ng pag-asa. Kung magsisikap lamang ang isang tao, kasabay ng pananampalataya sa Diyos, tiyak na siya ay magtatagumpay.

Kaya nga pinili niya ang isang character na nagsimula sa isang basurahan, nangangalakal, nasa pinakamababang level ang pamumuhay, na dahil buo ang pag-asa, umunlad, sumikat, at naging maganda ang buhay.

Iyan ang klase ng pelikulang gusto namin, kasi nagmumulat sa mata ng tao na may pag-asa, at hindi kailangang gumawa ng masama para umunlad sa buhay. Eh iyong ibang mga pelikula ngayon, ano ang nakikita mo? Kuwento ng mga bakla at mga naghuhubarang lalaki na inilalabas pati ang kanilang pribadong bahagi. Para bang sinasabi na kung naghihirap ka sa buhay, mag-call boy ka. Ibenta mo katawan mo sa mga bakla. Kikita ka  ng malaki nang walang pagod.Ganoon ba dapat?

Kawawa ang mga kabataan natin. Sarado ang mga eskuwelahan dahil sa lockdown. Kulang na ang nagtuturo ng tamang values at kagandahang asal. Ang mga magulang, abala sa hanapbuhay dahil dalawang taon ngang lockdown, walang hanapbuhay, at ngayon lang nagsisimulang kumita at magbayad ng maraming utang. Paano mo maaasahan iyang mga iyan na gumabay nang husto sa mga anak nila? Tapos ang mapapanood sa sine at makikita sa social media, iyang mga mahahalay na panoorin. Ano ang kalalabasan ng mga kabataan natin sa susunod na henerasyon? Isang henerasyon ng mga patutot?

Kaya ngayong nagbubukas na ang mga sinehan, sabi nga namin wala kaming ieendoso kundi mga wholesome na pelikula kagaya ng Yorme, at saka po suportahan ninyo ang mga malilinis na pelikulang walang halong kalaswaan at kawalanghiyaan.

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …

Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa …

Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member …

Judy Ann Santos

Judy Ann kampante makipagtrabaho sa mga beterano — makikita mo kung gaano ka-professional, walang kaarte-arte

RATED Rni Rommel Gonzales MAS lalo raw nakilala at naka-bonding ni Judy Ann Santos si Lorna Tolentino. Magkatrabaho …

Chanty Videla

Chanty Videla tatargeting maging beauty queen

RATED Rni Rommel Gonzales IBA talaga ang training sa ilalim ng mga Koreano. Si Chanty Videla kasi …