Thursday , July 18 2024
Fr. Ferdinand Ferdie Santos
Fr. Ferdinand Ferdie Santos

Picture ng poging pari na nag-viral, tunay o photoshopped?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MARAMI na kayang guwapong kabataang Pinoy ngayon ang nag-aambisyong maging pari all because of Fr. Ferdinand “Ferdie” Santos

“Viral Priest” na ang bansag kay Fr. Ferdie. Facebook lang ang social media account n’ya at about two weeks ago, itinigil na n’ya ang pagtanggap ng comments sa account niya. 

Actually, for a while, hindi lang si Fr. Ferdie ang nag-viral kundi pati na ang higit na mas senior sa kanya, si Dean Ranhilio Aquino ng Graduate School of Law ng San Beda University.

Si Dean Aquino kasi ang unang nag-post sa kanyang Facebook ng impormasyon tungkol sa plano ni Fr. Ferdi na umuwi ng Pilipinas para tulungan ang ating mga mahihirap na kababayan. 

Siyempre pa, may picture ni Fr. Ferdie sa post ni Dean. Ang guwapo ng batang pari. Bata compared to the Dean pero baka early 30’s na ang edad ni Fr. Ferdie. 

Walang kamalay-malay si Dean Aquino na siya ang naging instrumento kaya talk of the town at viral ang post niya tungkol kay Fr. Ferdie.

Mensahe ni Dean Aquino: ”This is Fr. Ferdinand Santos. I am posting this because I am in awe of him.

“We met while he was student at the Catholic University of Louvain and I was a post-doctoral research fellow there. He and I were in the classes of Prof. Jan van der Veken on Process Metaphysics. Aside from holding a PhD in philosophy, he is a licensed fitness instructor! Amazing.

“But even more amazing is that he gave up the prestigious position of Rector of St. John Vianney Seminary in Florida that has both philosophy and faculty theologies to return to the Phiippines to work in depressed parishes. Laus Deo!”

May mga pari na mahilig magsulat at kabilang doon si Fr. Ferdie. 

Nagbahagi siya ng isinulat niya noong 2003, ang Journey into the Heart of Christ: Letters to Seminary Students on Faith, Life and Formation.

Pahayag niya, ”Only Christ deserves to have a ‘fan club’. People will naturally find us ‘attractive’ in many different ways. Many priests and seminarians after all are kind, gentle, and caring.

“Many of us are good speakers, and not a few are actually good looking. People like those qualities.

“The thing is, while there’s nothing wrong in receiving their praise and admiration (and we should learn to say “thank you” sincerely, by the way, whenever we are appreciated), we also shouldn’t forget that those words of praise do not primarily belong to us.

“They are first and foremost directed to Christ, not to ourselves. Granted that doesn’t always happen, it still doesn’t change the equation.

“They’re Jesus’ fans, not ours. And we shouldn’t be going around trying to form our own groupies. One who does so completely misses the point of the whole situation. We are meant to be ‘attractive’ to people, that is true.

“Adrian Van Kaam the author of Religion and Personality suggests that there’s absolutely nothing wrong with being “a little vain”, meaning keeping oneself well kempt so as not to turn people off. But neither should we forget that looking good, speaking and acting well, are not meant to draw people to ourselves. That will naturally happen.

“What we’re really supposed to do is to lead them—when they do come to us—to Christ. He is the chief shepherd, remember. We aren’t the point. He is.”

Ganyan ka-serious at ka-spiritual ang batang pari! 

Pero walang pinatatawad ang mga intrigero at basher sa bansang ito. Ilang araw lang pagkatapos mag-viral ni Fr. Ferdie, lumutang ang akusasyong photoshopped at pinagmukhang bata raw ang pari sa mga litratong pinagpistahan sa social media.

Ang litrato ni Fr. Ferdie, na ginamit sa artikulo ng Archdiocese of Miami tungkol sa kanya noong September 18, 2019 ang naging basehan ng mga nagsasabing digitally enhanced ang nag-viral na larawan ng alagad ng simbahan.

Nagkaroon ng mga debate tungkol sa tunay na hitsura ni Fr. Ferdie dahil sa Facebook post ng isang “Carlos Babiano” noong August 30.

Ayon sa ulat ng PEP. ph, mismong ang nakababatang kapatid daw ni Fr. Ferdie, na nagngangalang Jeremiah ang nagsabing edited ang mga kumakalat na larawan ng pari.

Payo ni Babiano sa lahat ng mga naniwala: ”EXAMINE THOROUGHLY EVERYTHING YOU SEE ON SOCIAL MEDIA… 

“The priest in this screenshot of the website of the Archdiocese of Miami is Rev. Fr. Ferdinand S. Santos, a faculty member of St. John Vianney College Seminary in Miami, Florida, U.S.A. He is an alumnus of Lourdes School of Mandaluyong, San Carlos Seminary, and the Katholieke Universiteit Leuven… “

Noong July 30 siya bumalik sa Pilipinas pero nagpositibo sa COVID-19 kaya nag-quarantine ito sa isang hotel sa Greenhills.

Ito ay base sa kanyang Facebook post noong August 30.

Lahad ni Fr. Ferdie: ”Been in Manila for a month now. I arrived on July 30th and stayed at one of the government mandated quarantine hotels on Shaw Blvd.

“A couple days later, I tested positive for Covid and was moved to another hotel in Greenhills where I stayed until the 22nd of August. The place was alright, the doctors and nurses were very caring and attentive though. Really great folks!”

Makikita sa Facebook post ni Fr. Ferdie ang larawan nito habang nasa quarantine room niya.

Mapupunang ang pagkakaiba ng hitsura ng viral photos n’ya sa edad pero siya talaga ang nasa lumang pictures. 

Maunawain talagang tao si Fr. Ferdie. Lahad n’ya sa FB n’ya: ”It was tough getting Covid and being in isolation, felt sick and crappy most of the time. I tried to keep a positive disposition throughout but it wasn’t easy. If you don’t you’d go bonkers being locked up for so long. I did get a lot of work done (writing).

“I know there’s a lot of complaints against the government, but credit must be given where credit is due. I must say we were treated quite well, the staff was all professional, and the doctors and nurses did a superb job. Get vaccinated folks; it protects you. Stay safe.”

Harinawa’y maraming guwapong kabataan dito sa bansa ang ma-inspire na magpari. Sa kalagayan natin ngayon, kailangan natin ang mas maraming pari kaysa mga artista.

About Danny Vibas

Check Also

Itan Rosales VMX V

Itan Rosales, hataw to the max ang showbiz career

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio WALANG DUDANG pambato sa mahabang listahan ng Vivamax leading men …

Itan Rosales

Itan Rosales bagong prinsipe ng Vivamax

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang guwapo at isa sa bussiest leadingman ng Vivamax si Itan Rosales dahil sunod-sunod ang …

Sheryl Cruz BF

Sheryl suwerte sa lovelife at career ngayong 2024

MATABILni John Fontanilla MUKHANG natagpuan na nga ni Sheryl Cruz ang lalaking magpapasaya sa kanya at makakasama …

Isa Sa Puso ng Pilipino GMA Station ID

Isa Sa Puso ng Pilipino lyric video available online 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang launch ng Isa sa Puso ng Pilipino station ID ng GMA Network na …

GMA Pictures YouTube

GMA Pictures may YouTube channel na

RATED Rni Rommel Gonzales IBANG level na ang panonood ng mga pelikulang Pinoy dahil ipinakilala …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *