Sunday , December 5 2021
Alex Gonzaga
Alex Gonzaga

Nang-agaw ng cellphone ni Alex tiyak na mambibiktima uli

HATAWAN
ni Ed de Leon

INUTUSAN daw ni Alex Gonzaga ang kanyang PA na kunan ng picture ang isang billboard habang nakabara sila sa traffic sa EDSA, bandang Guadalupe. Pero nang kukuha na iyon ng picture, may tumakbong tatlong lalaki at inagaw ang cellphone. Mabilis din naman ang kanyang driver na bumaba sa sasakyan at hinabol ang mga snatcher. Nahuli nila ang isa, kaya natunton din ang dalawa pa na may hawak ng cellphone.

Nang maibalik ang kanyang cellphone, natuwa naman daw si Alex, nagpasalamat sa mga pulis at hindi na nagdemanda. Dahil walang complainant, pinakawalan din ang mga snatcher na siguro naroroon na naman sa EDSA at naghihintay na naman ng panibagong biktima. Iyan ang problema eh. May mai-snatch, hahabulin ng pulis, mahuhuli. Iyong complainant, basta nabawi na ang cellphone, aalis na lang, ayaw magdemanda dahil istorbo pa iyon sa kanila. Walang magagawa ang mga pulis kundi pakawalan ang suspect. Makalipas lang ang ilang oras may mai-snatch na naman iyang mga iyan.

Sa hirap ng buhay ngayon, at dahil sa kawalan ng trabaho, natural tataas ang krimen. Maraming snatcher, holdaper, akyat bahay, shoplifter at kung ano-ano pa. Eh kasi nga maski na sardinas na tinatanggihang kainin ng pusa wala silang matanggap na ayuda. Eh ano ang aasahan mong gagawin ng mga iyan? Look na lang sa sky and count stars?

About Ed de Leon

Check Also

Klinton Start Aspire Magazine

Klinton Start cover ng Aspire Magazine, may serye pa sa ABS-CBN

MATABILni John Fontanilla HAPPY si Klinton Start dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon. Bukod sa napili ito ng publisher …

Samantha Bernardo

Samantha ‘di nakasali sa MUP

MATABILni John Fontanilla SASALI pala sana ang Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo sa 2021 Miss Universe Philippines.At kahit alam nito …

Jeyrick Sigmaton Carrot Man

Carrot Man Jeyrick wagi sa NY

RATED Rni Rommel Gonzales NI sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jeyrick Sigmaton na magkakaroon siya ng isang international …

Miguel Tanfelix

Miguel ayaw sa babaeng maarte

RATED Rni Rommel Gonzales INILAHAD ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw sa isang babae sa …

Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, The World Between Us

Serye nina Alden, Tom, at Jasmine nasa GTV na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI mo ba napapanood ang The World Between Us sa GMA? Huwag mag-alala dahil mapapanood …

Leave a Reply