Wednesday , December 1 2021
Balaraw ni Ba Ipe
Balaraw ni Ba Ipe

Walang sagot

BALARAW
ni Ba Ipe
 
PAPAINIT na ang politika sa bansa. Hindi katata-taka sapagkat nahaharap tayo sa halalang pampanguluhan sa 2022. Pipiliin natin ang susunod na pangulo ng Filipinas. Kasalukuyang gumugulong ang pambansang talakayan tungkol sa iba’t ibang isyu ng bayan – korupsiyon sa gobyerno, pagsugpo ng pandemya, pangangamkam ng China sa bahagi ng West Philippine Sea, at ang malawakang patayan, o extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng madugo ngunit bigong digmaan kontra droga.
 
Pambansang debate ang nagaganap sa bayan. Pagsisiwalat at sagutan sa magkabilang panig. Si Sonny Trillanes ang nagdadala ng pambansang debate at hindi si Leni Robredo na kasalukuyan pang nagmumuni-muni kung tatakbo o hindi sa 2022. Initsa puwera ni Leni ang sarili sa debate. Mas abala siya na imbitahan sa Liberal Party ang ilang politiko na pinaniniwalaang kasama sa company ni Duterte.
 
Sumasabay si Manny Pacquiao sa malayang talakayan, ngunit sabog at kalat ang kanyang mga banat. Parang namamana sa ere si Mane. Hindi malaman kung saan tatama ang palaso na pinakawalan ni Pacquiao kontra kay Duterte. Nagpapanggap ngayon na oposisyon si Mane. Limang taon sinuportahan si Duterte at kasama sa mga usapin ang mga EJKs. Biglang kumambiyo si Mane dahil may balak siyang tumakbo sa 2020.
 
Hindi kasama sa pambansang debate ang mga may balak na tumakbo sa 2022. Nasaan si Pampi Lacson na kilalang malasado sa mga isyu? Nasaan ang pro-EJK na si Joel Villanueva? Ang mabunganga na si Dick Gordon? Si Alan Peter Cayetano na minsan nagsabi na may pitong milyong adik sa Filipinas kahit walang ipinapakitang ebidensiya? Nasaan si Bebot Alvarez, BBM, at iba pa? Wala sa kanila ang nagdadala ng martsa.
 
May makinarya sa impormasyon ang gobyerno ni Rodrigo Duterte. May troll farm pa sila na pinopondohan ng salapi ng bayan. Walang ginawa ang troll farm kundi mang-inis at guluhin ang talakayan sa isyu. Nasasagot ng makinarya ni Duterte ang halos lahat ng mga banat sa gobyerno. Maliban sa isang isyu – ang kaso ng crimes against humanity na iniharap ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa International Criminal Court (ICC).
 
Nagtanong si Bato dela Rosa kung ano ang kahihinatnan ng sakdal ni Trillanes at Alejano sa ICC. Isa si Bato sa mga accomplice sa sakdal na ang pangunahing inirereklamo ay si Duterte. Halatang kinakabahan si Bato dahil hindi niya naiintindihan ang proseso ng pandaigdigang hukuman. Si Bato ang nagpatupad ng malawakang patayan, o EJKs, batay sa utos ni Duterte. Si Bato ang hepe ng PNP nang umpisahan ito noong 2016.
 
Hindi alam ni Bato na kumilos ang sakdal ni Trillanes laban sa kaya at Duterte. Anumang oras, maaaring mag-umpisa ang pormal na imbestigasyon ng ICC tungkol sa kanilang partisipasyon sa mga EJK. Hindi alam ni Bato, maaari silang hingan ng summons, o paliwanag ng ICC. Hindi alam ni Bato na maaari siyang dakpin upang paharapin sa ICC.
 
Hindi alam ni Bato na dating kasama ang Filipinas sa tratadong Rome Statute na bumubuo ng ICC bilang isang pandaigdigang hukuman kontra sa pang-aabuso sa poder ng mga lider. Hindi alam ni Bato na tumiwalag ang Filipinas sa Rome Statute noong 2019 sa maling akala na paraan ito upang hindi masiyasat ng ICC.
 
Hindi alam ni Bato na kahit na tumiwalag ang Filipinas sa ICC batay sa order ni Duterte, tuloy pa rin ang imbestigasyon. Sa madali, hindi sagabal ang pagtitiwalag na iniutos ni Duterte. Palusot lang ito. Ang pinakamahirap ay hindi alam ni Bato na may sariling proseso ang ICC at basta na lang ito darating sa kanya.
 
Hindi alam ni Bato na ang isyu ng sakdal nina Trillanes at Alejano ang mukhang magdodomina sa panahon ng kampanya. Iinog sa patayan ang kampanya at buong gilas at tikas na tatalakayin ng sambayanan ang usapin ng EJK. Dito nahubaran si Bato sa mata ng publiko.
 
Walang sagot si Duterte at kaalyado sa proseso ng ICC. Hindi sila nagbabasa at mas lalong hindi nag-aaral. Hindi nila alam kung anong dagok at hagupit ang dadapo sa kanila. Magmatyag.
 
***
 
QUOTABLE QUOTE: “Isa lang ang mantra ni Sonny Trillanes kapag tinatanong kung ano ang una niyang gagawin kapag siya ang nahalal: ‘Ipakukulong ko si Duterte at mga kasama.’ Walang ganyan si Mane Pacquiao. Hindi sinasabi iyan ni Isko Moreno. Umid ang dila ni Joel Villanueva. At palaging sa pula, sa puti si Pampi Lacson. Mga company union nga pala sila…”
 
– PL, netizen
 
“To all our U.S.-based compatriots: Please stop referring to our country – or your country of origin – as PI, or P.I., or the Philippine Islands. I know you mean no malice, but I am totally pissed off when you address the Philippines as the Philippine Islands, or P.I., or PI. This is simply because PI connotes colonial status. The Philippines is no longer a colony of the United States. Neither does it mean it has to live under the latter’s claws and shadow. The appropriate way is to call our country, or if you’re already American citizens, your country of origin, as the Philippines. It’s the Philippines, plain and simple. You can use the abbreviated Phl to refer to the Philippines. Using that colonially laden initials PI is quite discomfiting, to say the least.”
 
– Patria Amor, netizen

About Ba Ipe

Check Also

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

COMELEC seryoso ba sa campaign guidelines?

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata TILA mahihirapang sundin ng taongbayan ang inilabas na alituntunin …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Dorobong haciendero

PROMDIni Fernan Angeles HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit na halalan, sinasamantala …

Bulabugin ni Jerry Yap

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Bulabugin ni Jerry Yap

Thank you JSY for being big time suki of Gardenera

ni Almar Danguilan KUNG isa-isahin ang mga kabutihan na naibahagi ni Boss Jerry sa akin …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alyansa palakasin para sa Pag-asa Island/WPS — Eleazar

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATAPOS magtanim ng bandera ng bansa sa Pag-asa Island sa kalagitnaan …

Leave a Reply