Wednesday , October 5 2022
Covid-19 Swab test

Swab test bakit nakalilito ang singilan?

Dear Sis Fely Guy Ong,
 
Ako po si Marcelino Velarde, 58 years old, nakatira ngayon sa Gen. Trias, Cavite.
 
Patuloy ang aming pakikinig at pagsubaybay sa inyong programa dahil hanggang ngayon ay hindi namin maintindihan itong virus na CoVid-19.
 
Siyempre po, nangangamba rin kami. Pero hindi po talaga namin maintindihan ang mga nangyayari ngayon na kapag nag-positive sa CoVid-19 at ipina-confine sa ospital ay namamatay.
 
Samantala, ‘yung mga nagsasabing nag-homecare sila o nag-isolate sa bahay o nag-quarantine, ay nakaraos at hindi lumala ang sakit.
 
Isa pa po, noon daw pong nagbabayad pa ang PhilHealth sa mga ospital, kahit hindi CoVid-19 ang sakit ng pasyente, palalabasin CoVid-19, para raw makasingil.
 
Pero ngayong panahon na hindi nakapagbabayad ang PhilHealth, kahit nagpositibo sa CoVid-19 ang swab test, hindi maideklara ng ospital na may CoVid-19 ang pasyente kasi nga, hindi naman babayaran ng ahensiyang nabanggit.
 
Kaya ang binabayaran ngayon ng mga pasyente, mula P4 milyon hanggang mahigit na P6 milyon. E paano kung isang kayod, isang tuka lang ang pamilya ng pasyente?!
 
‘E yun nga lang pong swab test na umaabot ng P2,900 hanggang P8,000 depende kung ilang oras gustong makuha ang resulta, e nakagagalit na, ‘yan pa kayang lokohan sa pambansang paseguro?
Kaya sana po ay patuloy nating palakasin ang ating mga katawan lalo ang mga kabataan. Patuloy po ninyo kaming gabayan sa pamamagitan ng inyong programa.
 
Thank you po,
 
MARCELINO VELARDE
Gen. Trias, Cavite
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Krystall Nature Herbs

Dahil sa trabahong panggabi  
NAGKASAKIT NA STRIKER NG ESCORT GIRLS UMINAM SA KRYSTALL HERBAL OIL, NATURE HERBS & CPC

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Marian Rivera Dingdong Dantes Ceelin Caritas

DONG AT YAN PRIORIDAD ANG KALUSUGAN NG MGA ANAK; 
Nakibahagi sa #ImmunityForAllKids” ng Ceelin at Caritas  

KAPURI-PURI ang pagiging magulang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes lalo’t binibigyan nilang prioridad ang kalusugan na makikita sa …

Piolo Pascual Rhea Tan

Aminadong pinag-ipunan ang Kapamilya star
BEAUTEDERM CEO RHEA TAN DREAM COME TRUE NA MAGING ENDORSER SI PIOLO PASCUAL,

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na …

Macbeth 20th anniversary

20th anniversary ng Macbeth rakrakan cum fashion show

I-FLEXni Jun Nardo RAKRAKAN cum fashion show ang handog ng brand na Macbeth sa 20 years celebration …

Macbeth Benjie Estanislao

Macbeth’s 20th Anniversary Show pasabog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO ang direktor ng Macbeth’s 20th Anniversary Show na si Benjie Estanislao na kakaiba at …

Leave a Reply