Tuesday , September 27 2022

Pokwang ‘di totoong walang utang na loob

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALI naman iyong sinasabihan nilang walang utang na loob ang mga artistang lumilipat ng network kung saan sila makakukuha ng mas mabuti-buting trabaho. Iyong mga nagsasabi ng ganyan, tingnan ninyo kung hindi, basta nagkaroon iyan ng pagkakataon, lilipat din iyan.

Halimbawa nga si Pokwang, oo napasikat siya ng ABS-CBN. Pero ang daming artista ng ABS-CBN at hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, ngayon wala pa silang franchise, hindi ba masasabing for survival ay tama lang ang paglipat ni Pokwang? Ganoon din naman ang sitwasyon ni John Lloyd Cruz. Sikat siya ngayon. Bata pa. Hindi ba dapat samantalahin niya ang pagkakataon para maihanda niya ang sarili kung hindi na siya sikat at hindi na bata? Bakit sasabihing wala siyang utang na loob?

Bakit kung ang network hinahayaan na ang mga artistang sa tingin nila ay walang pakinabang, hindi sila sinasabihang walang utang na loob dahil may pagkakataon namang pinagkakitaan din nila ang mga artistang iyon.covid re 062121

About Ed de Leon

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply