Monday , September 26 2022

Metro Pop sound ni Claudia mas may pag-asa

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINABI ni Claudia Barretto na sa mga darating na araw ay gusto niyang makagawa ng musika in collaboration sa mga artist ng tinatawag na Manila Sound. Nagsimula iyang era na iyan noong 70s hanggang 80s kung kailan pumasok ang mga mas batang composers, mga batang musikero, na sinuportahan naman ng gobyerno noon nang itatag ang Metro Pop, at naiba nga ang tugtugin ng awiting Filipino na tinawag ngang Manila Sound.

Noong pumasok ang mga bagong artist, na may gumaya kay Michael Jackson, may gumaya kay Asher, tapos may nagpilit ding gumaya kay Phil Collins, naiba na naman ang tunog, pero hindi umabot ang mga iyon sa popularidad ng Manila Sound, kaya tama si Claudia na ang tipo ng musika ng Manila Sound ang gawin.

Narinig namin ang kanta ni Claudia, na ngayong araw na ito ilalabas sa mga music website, iyong Nothing To Do. Maganda naman ang kanta, at maganda rin ang tunog. Mukhang mas may pag-asa iyan kaysa musikang nagawa na niya in the past. Maganda rin ang back up ng kanyang music career dahil nasa Viva siya at alam natin nasa likod din niyan ang Vicor na nagpasikat sa maraming singers in the past.

Mas pinili ni Claudia ang kumanta kaysa mag-artista kahit na maganda siya. Sana magtagumpay naman siya bilang isang singer.

About Ed de Leon

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply