Thursday , June 25 2026

JM nag-panic attack habang nagpo-promo

NAKATATAKOT iyong nangyari kay JM de Guzman, sa kalagitnaan ng kanilang promo, inatake siya ng panic attack. Iyan iyong feeling na bigla na lang nagkakaroon ng takot ang isang tao kahit na walang dahilan. Nangyayari iyan kahit na ang isang tao ay natutulog. Kung minsan iyan ang tinatawag ng mga matatanda noong araw na bangungot.

Pero iyang panic attack, kahit na gising ka maaaring umatake ano mang oras nang walang warning, Kagaya nga ng nangyari kay JM, hindi na siya makapagsalita at nang tanungin siya kung ano ang nangyayari, ipinakita na lang niya ang mga kamay niyang nanginginig na.

Mild pa lang ang panic attack na iyon. Maaaring mas matindi pa ang tumama sa isang tao.

Sa mga nakararanas ng panic attack, kailangan lamang ay lakas ng loob at laging tandaan na walang nagyayaring dapat niyang ikapag-panic.

Nati-trigger din iyan kung may pangyayari talaga kagaya ng mga sunog, lindol o ano pa mang mga nakabibiglang pangyayari.

Sinasabi rin ng mga expert na itong napakahabang lockdown at takot sa Covid nakapag-papalala rin ng panic attacks. Wala na tayong aasahan talaga kundi awa ng Diyos.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …