Thursday , June 4 2026

Leni Parto abala sa pagtulong sa mga pari

NOON ding araw, pagdating ng Mahal na Araw, maglalabasan na ang mga Tele-Sine na ginagawa ng grupo ni Leni Parto. Marami siyang mga tele-sine na religious ang tema, o kaya ay buhay ng mga santo. Marami rin kasing alam na kuwento si Leni, dahil taongsimbahan iyan kahit na noon.

Nang mawala na si Leni dahil kailangan niyang mag-retire ng maaga para maalagaan ang asawang may sakit, nawala na rin lahat ng Tele-sine.

Ngayon madalas din naming nakaka-chat si Leni, ibinubuhos na niya ang kanyang panahon sa mga gawaing pangsimbahan. Biyuda na rin siya, at malalaki na rin naman ang kanyang mga anak na may kanya-kanya na ring buhay. Pinili niyang mag-retire sa Ilocos, ”malayo na sa gulo ng showbusiness.” 

Buhos ang panahon niya sa pagtulong sa mga pari.

Naghahanap siya ng pondo para sa charity. Iyon ang buhay niya ngayon.

Dati, si Leni bilang program manager, ang siyang gumawa sa IBC 13 bilang number one channel. Ang mga projects naman niya sa Channel 7 ang naging mga top rater. Sayang pero ngayon ay ayaw na niya. Gusto niya na ang buhay niya ay maging isang mahabang mahal na araw.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …