Friday , May 17 2024
Liza Soberano

Liza sa gobyerno: Wala bang magagawa para tulungan ang mahihirap?

AWANG-AWA na si Liza Soberano sa mga kababayan nating kailangang lumabas ng bahay at magtrabaho sa kabila ng panganib ng Covid-19. Kung hindi naman sila magtatrabaho at susugod sa peligro hindi nga sila mamamatay sa Covid, mamamatay naman sila sa gutom.

Ang sinasabi nga ni Liza, wala bang magagawa para tulungan ang mahihirap? Ang sagot diyan ay wala.

Hindi ba noong una may sinasabi pang social amelioration program o SAP? Ano ang nangyari, hindi ba naubos ang pondo sa SAP? Marami ang hindi nakatanggap at lumabas na naipit ang pondo sa bulsa ng kung sino-sino, tapos sasabihin, ”ayaw ko ng corruption.”

Mahirap din namang tumulong. Tingnan ninyo si Angel Locsin, tumulong. Tumulong siya sa lahat ng nangailangan, na red tag pa siya dahil may natulungan daw siyang mga rebelde. Mahirap iyan. Mapagbintangan ka ng ganyan maaari ka na lang damputin dahil sa anti-terror law.

Hindi ka rin naman makapagsabing ipagdarasal mo, ipinasara rin ang mga simbahan. Ano ang gagawin mo?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *