Thursday , June 4 2026

Mayor Vico Sotto nega sa Covid; sumailalim sa 14 days quarantine

MABUTI naman ang naging desisyon ni Mayor Vico Sotto na sumailalim sa 14 na araw na quarantine kahit na lumabas siyang negative sa Covid test, matapos mamatay ang kanyang driver dahil sa Covid. Hindi mo nga naman masasabi. Marami ang negative sa mga unang test pero lumalabas na positibo makalipas ang ilang araw.

At sa panahong ito, hindi nga biro-biro ang Covid. Hindi ba’t sinasabi nilang may 98 variants na ng virus na nakita sa Pilipinas? Mukhang sa atin itinambak ang lahat ng variants ng virus.

Iyon ang dahilan kung bakit nagiging mas maingat ang iba. Si Mayor Isko  Moreno halimbawa, dahil gusto niyang personal na mai-supervise ang mga ginagawang trabaho sa labas ng City Hall, nagdo-doube face mask na raw.

Si Congressw. Vilma Santos na kausap namin noong isang araw, nagsabing hindi na raw siya lumalabas talaga. Panay din ang paalala niya sa amin na huwag na ring lumabas kung hindi talagang kailangang kailangan.

“Hindi na bir-biro iyang Covid ha. Kaya nga maski na ang staff ko, iyong nasa Kongreso at humaharap sa maraming tao, talagang sinasabihan ko na basta may naramdamang kakaiba magpa-test na agad. At kung may meeting man kami, sila iyong naka-zoom,”  pagkukuwento ni Ate Vi.

Marami pang ibang mga artista ang nagsabi sa amin na hindi na rin talaga sila lumalabas, tutal hindi naman talaga marami ang trabaho sa ngayon. At siguro mananatiling ganyan ang sitwasyon hanggang hindi nababakunahan sa mga pribadong tao, at hanggang sa dumating dito ang mas pinagkakattiwalaan nilang bakuna.

Iyong mga bakuna namang ginagamit natin sa ngayon, hindi puwede sa mga bata at mga senior citizen, at hindi rin proteksiyon laban sa mas maraming variants ng Covid na kumakalat ngayon.

Ang nakatutuwa nga lang sa mga nababalitaan natin, mas maraming gumagaling sa Covid kaysa namamatay. Kailangan pa rin natin ang seryoso at totohanang pag-iingat.

Nakakawalang gana na nga minsan maski ang manood ng TV kasi wala ka nang mapanood kungdi tungkol sa Covid. Buryong na nga tayo sa pinakamahabang lockdown sa buong mundo, wala ka pang mabungaran kundi balita tungkol sa Covid pa rin.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …