Friday , June 21 2024

Aga, imposibleng makapagretiro (In-demand pa rin kasi hanggang ngayon)

WALANG naniniwala na matutuloy ang sinasabing retirement ni Aga Muhlach sa susunod na taon. Ang sabi naman kasi niya ay kung hindi niya mababago ang kanyang sarili, kung hindi magiging fit ang kanyang pangangatawan, dahil naniniwala rin naman siyang ang isang artistang gaya niya ay dapat laging fit, laging maayos para hangaan ng kanilang  fans. Napuna rin naman ni Aga na bumibigat na nga ang kanyang timbang.

Pero may panahong tumaba na rin si Aga in the past, pero mabilis naman siyang nakabawi. Magagawa niya iyon basta talagang ginusto niya. Ang sinasabing isa pang punto, nakapagpundar na rin naman nang sapat si Aga para sa sarili niyang pamilya, at kahit na hindi na siya magtrabaho, puwede na. Kumikita rin naman ang mga negosyong pinasok niya. Kung iisipin, puwede na nga siyang mag-retire. Pero magagawa kaya niya iyon?

May mga nagsasabi ngang sa edad 51, mukhang bagets pa rin naman si Aga. Hindi nga ba may ginawa pa siyang isang commercial endorsement na ang binigyang diin ay iyong mukha pa rin siyang bagets kahit na may edad na? Aba eh totoo namang mas mukha pa siyang bata kaysa ibang artistang mas bata talaga kaysa kanya. Maalaga rin kasi si Aga sa kanyang katawan.

Marami pa rin naman ang kumukuha sa kanya, dahil hindi maikakailang isa siya sa mga artistang napakalakas pa ng batak sa takilya. Sooner or later magbubukas na rin naman ang mga sinehan at kailangan nila ang isang box office star na kagaya ni Aga.

Paano nga ba siyang makakapag-retire kung marami naman ang gustong kumuha sa kanya? Rito hindi patatahimikin ang isang artista hanggang hinahabol pa sila ng publiko.

Ang publiko ang siyang nagdidikta kung kailan makapagreretiro ang isang artista, at hindi sila. Iyong iba nga riyan nagpipilit pa eh pero wala ring magawa basta hindi na sila tinangkilik ng publiko.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *