Friday , May 17 2024
Eat Bulaga
Eat Bulaga

Eat Bulaga, may nakaambang 2 show na kakalaban

MUKHANG hindi pa rin natitigatig ang Eat Bulaga kahit sinasabing may mga nagbabantang kalabanin sila mula sa isang UHF network, at ngayon ay may lalabas pa raw sa free tv, bukod nga roon sa rati na nilang kalabang It’s Showtime, na ngayon naman ay napapanood na lang sa cable at internet.

Kahit sinasabing live na nga ulit ang Eat Bulaga, parang kulang pa rin dahil si Vic Sotto ay makikita mo na lamang na naka-video link mula sa kanyang bahay, at matagal na ring wala si Joey de Leon. May dahilan naman, dahil sa protocol na ipinatutupad ng IATF, halos ayaw na ngang palabasin sa bahay ang mga senior citizen, at senior na nga pareho sina Vic at Joey. Pero sa totoo lang, malabnaw ang show kung wala silang dalawa. Ang isa pang nakakalabnaw ng Eat Bulaga ay wala ka na ngang mapanood maliban doon sa pinahabang Bawal Judgmental. Hindi gaya  ng dati na bukod sa games, mayroon din silang iba pang entertainment numbers.

Pero siguro kampante nga sila dahil sa paniniwalang iyang panonood ng tv ay isang habit, at mahigit na apat na dekada na nga sila sa telebisyon. Pero ganyan ang mentality noong araw nang tinalo nila ang Student Canteen. Nasingitan nila iyon dahil sa mga bagong gimmick, mas maraming entertainment numbers, at malakas sa sales force noon dahil kay Romy Jalosjos. Eh paano kung masingitan silang bigla ng ganyan din?

Palagay namin, dapat na magdagdag na lang sila ng mga safety measure pero pabalikin na nila sina Vic at Joey sa kanilang studio. Palagay naman namin, kung tama ang gagawin nilang disinfection ng kanilang studio, hindi naman mahahawa ang mga senior at sino man sa kanila.

Huwag nilang sabihin na bale wala ang kanilang mga makakalaban sa ngayong bago.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …

Karla Estrada family

Karla deadma sa panlalait: mga anak bunga ng pagmamahal 

MATABILni John Fontanilla MANHID na ang TV host/actress, Karla Estrada sa panlalait ng ibang tao sa kanya …

Kelvin Miranda Kira Baringer

Kelvin sa totoong relasyon nila ni Kira: Hindi naging kami, sobrang komportable lang sa isa’t isa

MA at PAni Rommel Placente SA May 29, Wednesday, ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Chances …

Boss Toyo Niño Muhlach 

Nino ibinenta FAMAS  trophy ng P500K 

MA at PAni Rommel Placente KUNG si Jiro Manio ay ibinenta kay Boss Toyo ang Urian Best Actor trophy …

Prince Keino Noreen Divina

Prince Keino nakiisa sa outreach program ni Nailandia owner Noreen Divina

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL matalik na magkaibigan ang Nailandia owner na si Noreen Divina at talent …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *