Thursday , December 2 2021

Sunshine, tiniyak na matatauhan ang mga nambastos sa kanilang mag-iina

TINUKOY na ni Sunshine Cruz ang mga pangalan ng tatlong nambastos sa kanya at sa kanyang mga anak sa social media. Medyo matagal na nga nangyari iyan pero lumabas ulit dahil hindi na makatiis ang kanyang anak na si Samantha dahil sa ginawang pambabastos. Lumabas na ang nambastos pala naman nila ay kaeskuwela pa ng kanyang mga anak sa isang pribadong eskuwelahan.

 

Kumalat ang mga pangalan nang ilabas iyon ni Sunshine at nakarating nga sa pamunuan ng eskuwelahan ang nangyari, nagkataong ang isa sa kanila ay member pa ng student government ng eskuwelahan. Sinabi naman ng school na ang ginawang iyan ng kanilang estudyante ay labag sa kanilang ipinatutupad na disciplinary policy. Nauna riyan, may napatalsik na rin ang eskuwelahan dahil sa ginawang pambabastos din sa internet kay Senador Risa Hontiveros.

 

Humingi naman agad ng paumahin ang isa sa kanila kay Sunshine sa pamamagitan din ng social media, at sinabing iyon ay, “biro lang at hindi ko inaasahan ang masamang epekto noon.”  Pero hindi nag-react si Sunshine, ibig sabihin gusto pa rin niyang mapanatili ang option kung sasampahan niya ang mga iyon ng kasong legal sa hukuman.

 

Marami pa rin kasi ang naniniwala na kahit na ano ay masasabi nila sa social media at inaakala nilang makalilibre sila. Hindi nila alam na may mga paraan na ngayon para ma-trace kung sino talaga sila at may umiiral nang batas para sila ay mapatawan ng parusa sa kalokohan nila.

 

Siguro sa nangyayari ngayon ay makababawi na si Sunshine sa mga nambastos sa kanilang mag-iina. Pero ang sabi nga ni Sunshine, hindi lang naman niya gustong gumanti dahil sa ginawa sa kanilang pambabatos. Ang gusto niya ay matauhan na ang iba pa na huwag nang gumawa ng kabastusan sa social media dahil tiyak na may kalalagyan sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Herbert Batista Rene Boy

HB iniyakan ng matatanda at tinawag na Rene Boy

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IIYAKAN ang matatandang babae kay senatoriable Herbert Batista nang umikot siya sa Cebu City …

Blind Item, Mystery Man, male star

Baguhang male star na jutay at mahal sumingil ‘di na in sa mga beki

HATAWAN!ni Ed de Leon MATAPOS ang isang ginawang BL, wala na ngang narinig tungkol sa isang baguhang …

Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!ni Ed de Leon MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy …

Daniel Padilla

Daniel apektado ng cost cutting

HATAWAN!ni Ed de Leon KUNG napapansin ninyo, ang maraming projects ngayon ay iyong mga baguhang love teams, …

Bea Alonzo Tanduay Calendar Girl 2022 Feat

Bea kung kailan tumanda at saka nagpa-sexy

MATABILni John Fontanilla POSITIBO at negatibo ang reaksiyon ng netizens sa paglabas ng mga sexy photo ni Bea …

Leave a Reply