Thursday , June 4 2026

Bistek, nami-miss lalo na ng mga taga-QC

MUKHANG tahimik lang si Bistek (Herbert Bautista). Natural dahil ayaw niyang masabing hindi na siya mayor ay namumulitika pa. Sa ngayon hinaharap niya ulit ang kanyang career bilang isang artista.

Pero marami kaming nakakausap na mga tao na nagsasabing nami-miss  nila si Bistek, lalo na sa pagkakataong ito na may hinaharap na malaking problema ang lunsod. Naaalala kasi nila iyong ugali ni Bistek na basta may ganyang pangangailangan ay tulong agad. Alam kasi niya ang buhay ng mahihirap. Hindi naman masasabing si Bistek ay ipinanganak “with silver spoons in his mouth.” Kaya siguro mas nauunawaan niya ang mga mahihirap at ang mga nangangailangan.

Isa pa, sinasabi nga niya na iyon namang kanyang public service, ginawa niya para kahit na paano makapagbayad siya ng utang na loob sa publiko, na nagpasikat sa kanya kaya nadama ng kanilang pamilya kung ano man ang naabot nila sa ngayon.

Pero busy pa lang si Bistek ngayon sa ilang bagay na inaasikaso niya para sa kanyang career, alam namin hindi rin makatitiis iyan. Isang araw susulpot na lang iyan para maghandog ng kanyang tulong sa mga mamamayan. (Tama ka Kuya Ed, visible na siya sa ilang lugar sa QC tumutulong. Narito ang ibang litrato bilang patunay—ED)

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …